Search a Movie

Tuesday, August 26, 2025

Where the Crawdads Sing (2022)

8 stars of 10
★★★★★★★★ ☆☆

Starring: Daisy Edgar-Jones, Taylor John Smith
Genre: Mystery, Drama, Romance
Runtime: 2 hours, 5 minutes

Director: Olivia Newman
Writer: Lucy Alibar, Delia Owens (novel)
Production: Columbia Pictures, HarperCollins Publishers, Hello Sunshine, 3000 Pictures
Country: USA


Kilala si Kya Clark (Daisy Edgar-Jones) sa lugar nila bilang "Marsh Girl" na mag-isang lumaki at tumira sa lambak. Sinanay niya ang kaniyang sarili na mamuhay kasama ang kalikasan at natuto siyang magmahal nang dumating sa buhay niya sina Tate Walker (Taylor John Smith) at Chase Andrews (Harris Dickinson). Ngunit sa kabila ng kaniyang talino at pagiging kakaiba, patuloy siyang hinuhusgahan at iniiwasan ng mga tao. Lalo na noong nagkaroon ng murder sa kanilang lugar at si Kya ang unang pinagbintangan kahit wala namang itong patunay. Kahit walang kakampi, kinakailangan ngayong linisin ni Kya ang pangalan niya para makamit ang inaasam niyang kalayaan.

Mabagal ang pacing ng simula ng Where the Crawdads Sing. Malaki ang chance na maburyo ang audience sa first half ng pelikulang ito lalo na kung maikli lang ang attention span ng manonood. Pero sa tingin ko, worth it naman ang mahabang pag-establish sa mga karakter ng pelikula para mas madama ang kuwento at magkaroon ang bawat manonood ng emotional attachment sa mga bida. Masasabi kong sulit dahil maganda ang naging plot twist nito sa dulo.

Isa sa mga inaabangan kong bahagi ng pelikula ay ang courtroom scene. Inaasahan kong ito ang magiging pinakamainit na parte ng palabas  isang pasabog matapos ang lahat ng buildup. Pero nakakadismaya dahil nakakabagot ang mga eksena doon. Gayunman, nakabawi naman ng pelikula sa ibang aspeto. Napaka-impactful ng kabuuang palabas. Sa katunayan, all this time ipinapakita na pala ang ending, ngunit saka lamang natin ito lubos na mauunawaan kapag natapos na ang kuwento.


© Columbia Pictures, HarperCollins Publishers, Hello Sunshine, 3000 Pictures

No comments:

Post a Comment