★★★★ ☆☆☆☆☆☆
Starring: Alex Medina, Kean Cipriano, John Lapus
Genre: Comedy, Horror
Runtime: 1 hour, 50 minutes
Director: Lemuel Lorca
Writer: Jerry Gracio
Production: Insight 360 Films
Country: Philippines
Ang Echorsis ay iikot sa kuwento ni Carlo (Alex Medina), isang binatang mahilig manggamit ng mga bakla para makakuha ng perang gagamitin para sa kasal nila ng kaniyang girlfriend. Isa sa mga bading na pinaibig at niloko nito ay si Kristoff (John Lapus) na noong mga panahong 'yon ay iniwan ang lahat para kay Carlo kasama na dito ang kaniyang pamilya. Dahil sa labis na pagiging broken ay kikitilin ni Krstoff ang kaniyang buhay at bilang ganti ay pahihirapan niya ang buhay ni Carlo gamit ang multo nitong hindi matahimik.
Tampok sa palabas na ito ang nakakatuwang kombinasyon ng horror at comedy. Pero saa kabila ng mga nakakatawang eksenang dala nito, may ilang aspeto ang pelikula na hindi nakapagbigay ng magandang impresyon sa akin. Mula sa magkaibang tono ng kuwento hanggang sa inconsistencies ng mga karakter, ang Echorsis ay kinulang sa pagbuo ng isang solidong naratibo.
Magaan at nakakatuwa ang mga eksena sa panimula ng pelikula kung saan ay naka-focus pa ito sa kuwento ni Kristoff. Ngunit pagdating sa kalagitnaan nito ay biglang nagkaroon ng nakakalitong shift hindi lang sa storyline kundi sa overall tone ng palabas. Bigla itong nagkalat at nawalan ng direksyon. Ang humor ay naging pilit at ang katatakutang dulot nito ay hindi naman talaga nakakatakot.
Noong itinuon na kay Carlo ang kuwento ay doon na gumuho ang pelikula. Pilit silang nagpasok na panibagong storyline na hindi tumugma sa nasimulang kuwento. Biglang nawala sa spotlight ang karakter ni Kristoff at itinuon nila ang narrative sa karakter ni Carlo. Kung ako ang tatanungin, sobrang hirap panoorin ng second half ng palabas. Masyadong exaggerated ang naging pagganap ni Medina sa karakter niya, ginawa itong stereotypical at cringey. Para bang bigla na lang nawalan na ng gana ang creative team ng pelikula kaya nilaro na lang nila istorya.
Maganda sana ang mensahe ng pelikula na patungkol sa struggles ng mga LGBTQIA+ community pero paano sila seseryoshin ng mga tao kung ginagamit ang issues nila para gawin lang katatawanan. Dahil sa trying hard na humor ng pelikula ay nawalan ng saysay ang aral na gusto nilang ituro sa mga manonood. Sa huli, mas nangibabaw ang pagiging pangit ng palabas kesa sa mensahe na gusto nitong iparating. Sayang lang ang oras sa palabas na ito dahil marami pang mas makabuluhang pelikula na may parehong genre pero mas sensitive at mas naha-highlight ang tunay na problema ng mga LGBTQIA+ community.
© Insight 360 Films
No comments:
Post a Comment