★★★★★★★ ☆☆☆
Starring: Kevin Costner, Kevin Bacon, Tommy Lee Jones, Gary Oldman
Genre: Drama, History, Thriller
Runtime: 3 hours, 9 minutes
Director: Oliver Stone
Writer: Oliver Stone, Zachary Sklar, Jim Garrison (book), Jim Marrs (book)
Production: Warner Bros., Lee Studio Canal+, Regency Enterprises
Country: USA
Ang pelikulang hango mula sa tunay na pangyayari kung saan ang presidente ng Estados Unidos, John F. Kennedy, ay pinatay. Ang dating US Marine na si Lee Harvey Oswald (Gary Oldman) ang inaresto para sa krimeng ito. Dalawang araw matapos ang panghuhuli ay si Oswald naman ang sunod na pinatay ng nightclub operator na si Jack Ruby (Brian Doyle-Murray). Isang imbesitgasyon ang naganap at napagpasyahan ng mga imbestigador na sariling desisyon nila Oswald at Ruby ang mga krimen na kanilang ginawa. Ngunit nagkaroon ng pagdududa ang isang district attorney na si Jim Garrison (Kevin Costner) sa naging konklusyon ng imbestigasyon at gumawa siya ng sariling pagsisiyasat ukol sa nangyaring pagpatay, dahilan upang mapunta ang atensyon sa kaniya ng sambayanan lalo na ang gobyerno at ilang pulitiko.
Makapanindig-balahibo ang naging simula ng pelikula sa pagpapakita ng mga tunay na footage ukol sa assassination ni JFK. Mahirap itong sabayan kung wala kang kaalaman sa US history o kung hindi ka gaanong interesado sa mga pelikulang umiikot ang kuwento sa CIA o FBI. Masyado ring maraming pangalan na kailangang isaisip upang masundan ang usad ng kuwento. Kapag naging pamilyar ka na sa mga karakter, at hawak mo na ang agos ng kuwento ay makakasakay ka na sa mga matitinding eksena.
Si Costner ang nagdala sa buong pelikula, sobrang intense ng bawat tagpo at lahat ng kaganapan ay hindi mo dapat palampasin lalo na sa mga eksena sa court room. Mapapaisip ka sa bawat conspiracies na nabubuo tungkol sa pagpatay sa presidente hanggang sa puntong mapapa-research ka na rin sa kung ano ang mga totoong nangyari.
Isang pelikula na magsasabuhay sa nakaraan. Kahanga-hanga ang buong cast at maayos at mahusay ang usad ng istorya. Bibigyan ka ng on the edge na klase ng entertainment, katulad ng mga karaniwang Oscar Best Picture nominees, mapapanatili ka nito sa iyong upuan mula simula hanggang sa katapusan.

No comments:
Post a Comment