Poster courtesy of Wikipedia © Quantum Films |
7 stars of 10
★★★★★★★ ☆☆☆
Starring: Jennylyn Mercado, Derek Ramsay
Genre: Comedy, Romance
Runtime: 1 hour, 5 minutes
Director: Dan Villegas
Writer: Dan Villegas, Antoinette Jadaone, Anj Pessumal
Production: Quantum Films, MJM Productions, Tuko Film Productions, Buchi Boy Films
Country: Philippines
Isa lang naman ang gusto ng Filipino-American na si Julian Parker (Derek Ramsay), ang maisalin sa Tagalog ang sulat niya para sa kaniyang ex-girlfriend na nasa Pilipinas. Upang magawa ang gusto, naghanap si Julian ng Pilipinong maaaring makatulong sa kaniya. Dito niya makikilala si Tere Madlansacay (Jennylyn Mercado), isang tutor na certified tanga sa pag-ibig. Suplado si Julian, masiyahin naman si Tere. Sa kabila ng magkasalungat na ugali ng dalawa, sila ang magdadamayan mula sa pagiging sawi nila sa pag-ibig.
Sa buong pelikula, si Jennylyn Mercado ang nagningning. Ibang Mercado ang mapapanood mo dito, malayo sa mga dramang kaniyang ginagawa sa telebisyon. Nabigyang buhay nito ng maayos ang makulit at walang muwang na karakter ni Tere. Siya ang nagbigay ng tuwa, ng kilig at pati na rin ng drama sa buong pelikula. Siyempre, hindi nito sinarili ang pagbibigay kilig sa manonood dahil maayos rin ang partisipasyon ni Derek Ramsay dito. Nangibabaw ang chemistry ng dalawa na hindi mo aakalaing meron pala. Medyo tagilid lang ng kaunti ang portrayal ni Ramsay bilang isang amboy dahil minsan nagiging peke sa tainga ang slang nito.
Maganda ang development ng karakter ni Ramsay kumpara sa medyo one-dimensional na karakter ni Mercado. Sa kabila no'n, nagawa parin naman ni Mercado na gawing kawili-wili si Tere sa mga nakakatawang kalokohan nito. At kahit minimal lang ang screen time ng kakaunting supporting cast ay maganda ang naging combination nila sa mga bida.
Pagdating sa kuwento, wala naman masyadong kakaiba dito. Typical na boy meets girl with emotional baggage ang tinahak nitong landas lalo na sa climax nito kung saan isa sa kanila ang naghabol bago pa man mahuli ang lahat. Maganda ang naging simula nito ngunit hindi na napanghawakan ang gandang ito hanggang sa huli. Mabuti na lang at magaling ang dalawang bida na siyang nagbuhat sa pelikula.

No comments:
Post a Comment