Poster courtesy of IMP Awards © 20th Century Fox |
5 stars of 10
★★★★★ ☆☆☆☆☆
Starring: Miles Teller, Michael Jordan, Kate Mara, Jamie Bell, Toby Kebbell
Genre: Action, Adventure, Sci-Fi
Runtime: 1 hour, 40 minutes
Director: Josh Trank
Writer: Jeremy Slater, Simon Kinberg, Josh Trank, Stan Lee (comics), Jack Kirby (comics)
Production: 20th Century Fox, Marvel Entertainment, TSG Entertainment, Constantin Film
Country: USA
Matapos ang sampung taon, isang reboot ang ginawa sa istorya ng Fantastic Four. At dahil hindi naman gaanong kaganda ang unang palabas nito ay umasa akong mabibigyan na ng katarungan ang muling paggawa sa pelikula dahil sa improvement ng special effects sa kasalukuyan ngunit hindi ko inaasahang mas pipiliin ko pa pala ang 2005 version kumpara sa bagong bersyong ito ni Josh Trank.
Bata palang ay hilig na ni Reed Richards (Miles Teller) ang pagbuo ng kung anu-anong eksperimento, hanggang sa makabuo siya, sa tulong ng kaibigang si Ben Grimm (Jamie Bell), ng isang prototype teleporter. Dahil dito ay nakuha nito ang atensyon ng scientist na si Franklin Storm (Reg E. Cathey). Ni-recruit ni Storm si Reed upang tumulong sa pagkumpleto ng kanilang "Quantum Gate".
Pagkatapos ng matagumpay na pagbuo sa Quantum Gate ay palihim itong sinubukan nila Reed, Ben, Victor von Doom (Toby Kebbell), at ng magkapatid na Sue (Kate Mara) at Johnny Storm (Michael Jordan). Sila'y napunta sa parallel dimension na tinatawag na "Planet Zero" kung saan nila makukuha ang mga kakaibang pagbabago mula sa kanilang katawan. Si Reed ay nagkaroon ng mala-rubber na katawan samantalang si Sue ay may kakayahan na ngayong maging invisible. Ang kapatid nitong si Johnny ay nagagawang paapuyin ang buong katawan at si Ben ay nagkaroon ng batong katawan na nakapagbibigay sa kaniya ng pambihirang lakas. Kinakailangan ngayon nilang gamitin ang mga kapangyarihan na ito upang mailigtas ang Earth mula sa pagbabalik ng dating kaibigan na ngayo'y isa nang kaaway.
Marami ang naiba pagdating sa kuwento ng Fantastic Four. Kung paano nila nakuha ang kanilang powers, maging ang sariling kuwento ng mga bidang karakter ay pinalitan. May mga nag-improve katulad ng kung bakit ganoon ang powers na nakuha nila ay nabigyan ito ng eksplanasyon sa pelikula. Sa kabila ng ilang improvements, marami ang inalis na mas nagpabagsak sa pelikula. Nawala ang humor ng mga bida at hindi ko sila nakitaan ng pagiging superhero sa pagkakataong ito. Hindi ko alam kung alin sa dalawang pelikula ang mas sumunod sa comics ngunit itong pangalawang bersyon ay hindi talaga nahigitan ang nauna.
Nag-upgrade naman kahit papaano ang mga kapangyarihan ng limang main characters ngunit hindi naman ito nagamit ng maayos sa palabas. Wala kang aabangan sa mga bida, wala ni isa sa kanila ang likable at tila walang gana ang taong sumulat ng kanilang karakter. Boring ding ang mga fight scenes, siguro ay dahil sa so-so lang din ang visual effects nito.
Isang reboot na nagbigay pag-asa sa fans na mapaganda ang naunang adaptation, ngunit mas masahol pa pala ang kalalabasan nito sa bersiyon noong 2005. Tila ang mga natatanging positibo na mayroon ang 2005 version ay inalis ng 2015 at ang tanging natira na lang ay puro negatibo.
No comments:
Post a Comment