Starring: Dennis Mojen, Janina Uhse
Genre: Comedy
Runtime: 1 hour, 32 minutes
Director: Marco Petry
Writer: Claudius Pläging, Andrej Sorin
Production: W&B Production
Country: Germany
Bagong magkasintahan lang sina Jan (Dennis Mojen) at Pia (Janina Uhse). Sa pamamagitan ng isang game night ay susubukang kilalanin ni Jan ang mga kaibigan ng kaniyang nobya. Pero sa kalagitnaan ng okasyon ay biglang darating ang ex ni Pia na si Matthias (Stephan Luca). Dito na magsisimulang maungkat ang nakaraan ng bawat isa at ang bagong usbong na pag-iibigan nila Jan at Pia ay malalagay sa isang malaking hindi pagkakaunawaan.
Cringe comedy ang paraan ng pagpapatawa ng pelikulang ito. Kung hindi ka mahilig sa mga socially awkward na scenario ay hindi para sa'yo ang Blame the Game.
Napakasimple lang ng kuwento ng palabas. Katulad lang ito ng mga ibang comedy movies na hindi malalim pero nakaka-engganyo pa rin namang panoorin. Saka na lang naging interesting ang palabas noong naglaro na sila ng Who Would. Naging palaban na kasi ang bida sa mga oras na ito at unti-unti nang nagkakaroon ng background ang bawat karakter.
Ang maganda rito ay hindi predictable ang mga pangyayari. Sa simula ay parang masyadong makalat ang takbo ng istorya pero sa huli ay nabigyan naman ng closure ang bawat isa. Ang dahilan kung bakit ko nagustuhan ang palabas na ito kahit hindi ako fan ng humor ng pelikula ay maganda ang characterization ng bawat karakter. Lahat sila ay may conflict at sariling kuwento kaya maggo-grow sila sa'yo. Maganda ang chemistry nila Mojen at Uhse at kahit cringe ang ilang eksena ay napatawa pa rin naman nila ako bilang manonood. Nakakagulat man ay nagustuhan ko rin ang pelikula noong natapos ko ito.
© W&B Production
No comments:
Post a Comment