★★★★★★ ☆☆☆☆
Starring: Millie Bobby Brown, Louis Partridge
Genre: Action, Adventure, Mystery
Runtime: 2 hours, 3 minutes
Director: Harry Bradbeer
Writer: Jack Thorne, Nancy Springer (novel)
Production: Legendary Pictures, PCMA Productions
Country: United Kingdom, USA
Matapos umalis at gumawa ng sariling buhay ang dalawa nitong kapatid ay naiwan mag-isa si Enola Holmes (Millie Bobby Brown) kasama ang kaniyang inang si Eudoria (Helena Bonham Carter). Si Eudoria ang nagturo kay Enola para makatayo siya sa sarili nitong paa hanggang sa magdalaga ito. Pero dumating ang isang araw na bigla na lang nawala ang kaniyang ina. Ang tanging iniwan nito para kay Enola ay ilang bakas na magbibigay linaw sa kinaroroonan ng ni Eudoria.
Ang ganda ng chemistry nila Brown at Louis Partridge. Isa ang tandem nila sa mga inabangan ko sa pelikula. Nakakapukaw interest din ang mystery sa likod ng pagkawala ng kaniyang ina. Exciting sana ang paglutas ni Enola sa mga iniwan nitong clues para mahanap si Eudoria, iyon nga lang ay mabilis na naresolba ang sub-plot na ito. Hindi ko man lang na-enjoy ang adventure ng bida dahil bigla na lang nawala ang motibasyon nito at lumiko ang istorya.
Medyo makalat ang kuwento ng Enola Holmes. Nakakalito kung alin ba talaga ang main plot ng palabas. Nariyan ang tungkol sa kaniyang ina, ang tungkol kay Tewkesbury pati na rin ang tungkol sa mga kapatid niya. Para bang pilit pinagsama-sama rito ang mystery, romance, adventure, family drama, at hindi nila alam kung sa anong genre ba talaga sila tututok. Para tuloy nagkaroon ng existential crisis ang pelikula.
Kahit hindi siya ang bida, nakulangan ako sa mga eksena ni Sherlock Holmes (Henry Cavill). Hindi ko ramdam na siya ang tanyag na si Sherlock dito. Ang mga problema rin dito sa pelikula na kailangan maresolba ay hindi gaanong kahanga-hanga. Parang napakadali at very convenient ang mga tagpo kaya agad na nalutas ang mystery. Walang appeal ang climax. Wala siyang gulat factor at wala ring thrill dahil parang nagmamadali ang istorya. Hindi ko rin nakitaan ng saysay ang naging kuwento tungkol sa finishing school. Dagdag conflict lang ito pero walang ambag sa storyline.
Maganda naman ang Enola Holmes pero hindi lang siya nakakamangha para sa 'king panlasa. Magaling ang mga artistang naririto, maganda ang production design at gusto ko ang dalang humor ng palabas. May kulang nga lang sa kuwento dahil hindi naging maayos ang pagkakalapat nito.
© Legendary Pictures, PCMA Productions
No comments:
Post a Comment