★★★★★★ ☆☆☆☆
Starring: Dev Patel, Armie Hammer
Genre: Action, Drama, History
Runtime: 2 hours, 3 minutes
Director: Anthony Maras
Writer: John Collee, Anthony Maras
Production: Screen Australia, Xeitgeist Entertainment Group, South Australian Film Corporation, Arclight Films, Adelaide Film Festival, Double Guess, Screenwest, Lotterywest, Hamilton Films, Thunder Road Pictures, Electric Pictures
Country: Australia, India, United States
Hango sa totoong pangyayari noong 2008. Isang terrorist attack ang mangyayari sa Taj Hotel sa Mumbai. Para mailigtas ang mga guest ng naturang hotel ay kinakailangang magsakrpisyo ng mga staff nito laban sa kamatayang naghahabol sa kanilang buhay.
Ang sakit sa puso ng pelikulang 'to lalo na't nangyari ito sa totoong buhay. Dahil sa pelikulang 'to, lalabas ang galit mo sa mga terorista at hands down ako sa mga nagsiganap na terorista sa palabas na 'to dahil kukulo talaga ang dugo mo sa kanila. Iinit din ang ulo mo sa ibang mga karakter dito dahil sila mismo ang lumalapit sa apoy. May mga pagkakataong safe na sila pero sila pa ang maghuhukay ng sarili nilang libingan dahil hindi sila gumagamit ng utak na naiintindihan ko naman dahil nasa state of panic na sila pero nakakainis pa rin.
Marami akong napansin na ilang continuity error at mga inconsistencies dito sa pelikula katulad na lang nung pinalabas nilang ignorante ang mga terorista sa pag-flush ng toilet pero marunong naman silang gumamit ng elevator. Malinaw din na may exit sa kusina pero nung nandoon na ang kalahati ng main cast ay para bang dead end na ito at wala na silang ibang matatakbuhan pa. Sa last 20 minutes na lang ng pelikula magkakaroon ng pag-asa ang mga karakter at doon ka lang makakaramdam ng relief matapos ang dalawang oras na panonood.
Magaling si Dev Patel sa palabas na ito. Mata pa lang niya ay umaarte na. 'Yun lang ang isang bagay na nagustuhan ko rito maliban sa pag-arte ng mga terorista. Maganda sana na nabigyan ng background ang ilang main characters para mas masuportahan mo ang survival nila pero lahat sila ay one-dimensional lang. Kahit mamatay man sila, masakit pero walang kirot sa puso dahil hindi sila ipinakilala sa'yo ng pelikula.
Kung ayaw mong ma-stress at ma-high blood ay 'wag mong panoorin ang palabas na 'to dahil hindi ka mabibigyan nito ng satisfaction. Torture ang panonood ng Hotel Mumbai dahil sa loob ng mahigit dalawang oras ay wala kang ibang gagawin kundi ang manood ng isang malaking massacre na siya naman talagang punto ng pelikula pero masyado lang itong mabigat sa dibdib. Maganda siyang panoorin bilang pagkilala sa history ng bansa pero kung ayaw mo sa palabas na dark at gory ay 'wag mo na lang itong subukan.
© Screen Australia, Xeitgeist Entertainment Group, South Australian Film Corporation, Arclight Films, Adelaide Film Festival, Double Guess, Screenwest, Lotterywest, Hamilton Films, Thunder Road Pictures, Electric Pictures
No comments:
Post a Comment