★★★★ ☆☆☆☆☆☆
Starring: Nicole Kidman, Zac Efron, Joey King
Genre: Comedy, Drama, Romance
Runtime: 1 hour, 51 minutes
Director: Richard LaGravenese
Writer: Carrie Solomon
Production: Roth/Kirschenbaum Films
Country: USA
Aspiring producer si Zara (Joey King) na laging binubully ng kaniyang boss na si Chris (Zac Efron), isang sikat na action star. Noong aksidenteng makilala ni Chris ang ina ni Zara na si Brooke (Nicole Kidman) na nasa kalagitnaan ng pagmu-move on mula sa namayapa nitong asawa ay mahuhulog sa kaniya ang loob ng naturang movie star. Ang problema nga lang, hindi pabor si Zara sa relasyong ito ng kaniyang ina at ng kaniyang boss.
Hindi ko alam pero sobrang distracting ni Efron dito sa A Family Affair sa hindi magandang dahilan. Hindi ko rin sila makitaan ni Kidman ng chemistry. Walang nakakakilig sa kanilang dalawa kahit na sa love story nila naka-focus ang pelikula. Nakakaantok ang romance angle ng palabas at ang conflict nito ay nagbibigay sa 'kin ng secondhand embarrassment. Hindi well established ang mga karakter para magkaroon ako ng emotional investment sa kanila maliban na lang kay Zara na siyang mag-isang nagbuhat sa pelikula dahil sa magandang personalidad nito.
Kung gaano ka-boring ang title ng pelikulang ito ay ganoon din ang love story nila Brooke at Chris. Tipikal love story lang ito na walang bagong handog kaya nakakaumay silang panoorin. Ang pangit sa palabas na 'to ay walang redeeming qualities si Chris. Ni wala man lang siyang ginawa para kunin ang loob ni Zara na ilang taon niyang pinahirapan dahil sa pagiging diva nito. Bigla na lang siyang nagbago dahil sa pag-ibig at mahirap paniwalaan ang ganoong bagay. Ang malala pa ay ang pangga-gaslight at pangi-invalidate ng pelikula kay Zara na parang siya ang mali sa kuwento.
Hindi maganda ang storyline ng A Family Affair at ang cringe ng mga dramatic scenes. Hindi rin likable ang mga karakter at mas may impact pa ang sub-plot nila Zara at Eugenie (Liza Koshy) kesa sa main plot. Walang nakakatawa, walang nakakakilig, hindi ka rin madadala sa dalang drama ng pelikula.
© Roth/Kirschenbaum Films
No comments:
Post a Comment