★★★ ☆☆☆☆☆☆☆
Starring: Jerald Napoles, Nicco Manalo
Genre: Comedy, Horror
Runtime: 2 hours, 10 minutes
Director: JR Reyes
Writer: Erwin Blanco, Bel Ilag
Production: Viva Films, Mavx Productions
Country: Philippines
Matapos makulong dahil sa pagnanakaw at pagpatay ay susubukang bumangon ulit ni Mitoy (Jerald Napoles) mula sa pagkakasadlak sa tulong ng kaniyang kaibigang si Boying (Nicco Manalo). Magtatrabaho ang dalawa sa isang funeral parlor kung saan ay muli silang mumultuhin ng kanilang nakaraan.
Ang corny ng mga joke, very old school. Ni isang punch line ay walang nakakatawa dahil bukod sa overused na dad jokes ay wala ring taste ang sexual humor ng palabas. Halatang umaarte lang si Napoles at Manalo kaya hindi maganda ang delivery ng mga joke nila. Masyado silang trying hard, hindi tuloy natural ang dating ng pagpapatawa nila. Napaka-cringe ng buong cast lalo na si Nikko Natividad at ng mga multo sa pelikula.
Isa rin sa mga hindi ko nagustuhan dito ay kung papaano nila ginawang katatawanan ang pagiging bulag. Okay na sana 'yung isang punch line lang kahit corny naman ang kinalabasan. Pero naging running joke na sa buong pelikula ang kawalan ng paningin ng karakter ni Star Orjaliza bilang Lab. Medyo may pagka-ableist ang dating nito para sa 'kin at wala akong nakitang humor mula doon.
Bibigyan ko sila ng puntos dahil medyo creepy din naman ang ilang eksena dito lalo na kapag hinaluan nila ng nakakatakot na musical scoring ang eksena. Ganoon pa man, predictable na ang kuwento. Mabilis lang hulaan ang twist ng palabas, wala na itong gulat factor. Hindi pa ako nangangalahati sa palabas ay nagsisisi na 'ko na ito ang pinili kong panoorin. Kailangan mo ng mahabang pasensya dahil dalawang oras tatakbo ang kakornihan nito.
Masasayang lang ang oras mo sa panonood ng Pagpag 24/7 'wag mo nang tangkaing panoorin ito dahil wala namang saysay ang kuwento, pangit ang script, hindi nakakatawa ang mga eksena, at hindi rin ito nakakatakot. Mula sa make-up, visual effects, acting at storyline, ni isa ay walang umabot sa below average na rating.
© Viva Films, Mavx Productions
No comments:
Post a Comment