Search a Movie

Friday, July 19, 2024

Enola Holmes 2 (2022)

7 stars of 10
★★★★★★★ 

Starring: Millie Bobby Brown, Henry Cavill
Genre: Action, Crime, Mystery
Runtime: 2 hours, 9 minutes

Director: Harry Bradbeer
Writer: Harry Bradbeer, Jack Thorne, Nancy Springer (novel)
Production: Legendary Pictures, PCMA Productions
Country: United Kingdom, USA


Matapos ang mga kaganapan sa unang palabas ay sinubukang magtayo ni Enola Holmes (Millie Bobby Brown) ng sarili niya detective agency. Ngunit dahil sa kaniyang edad at kasarian ay wala ni isa ang gustong kumuha sa kaniyang serbisyo.

Kung kailan paubos na ang pag-asang nararamdaman ni Enola ay saka naman darating ang pinaka-una niyang kliyente  isang dalagita na gustong ipahanap ang kaniyang nawawalang kapatid na babae.

Sa pagkakataong ito, mas buo at mas maganda na ang misteryo ng binuo para sa storyline ng Enola Holmes 2. Kahit na marami pang kakaining bigas si Enola pagdating sa pagiging detective ay nakakatuwa na marami na siyang naging ambag at siya na mismo ang lumutas sa sariling kaso na kaniyang iniimbestigahan.

Mas malinis ang storyline nito ngayon kumpara sa naunang pelikula. Ang maganda pa ay mas malaki na ang naging role dito ni Sherlock Holmes (Henry Cavill). Nagkaroon sila ng pagkakataon na ipakita ang galing nito pati na rin ang magandang chemistry nila ng kaniyang kapatid. Maganda rin na maraming original characters ang muling nagpakita dito sa sequel. Mas marami silang airtime ngayon at mas lumawak ang pagkakakilanlan nila. Lumayag na rin team-up nila Enola at Tewkesbury (Louis Partridge) na nakadagdag ng ibang timpla sa takbo ng istorya.

Ang naging problema ko lang sa pelikula ay hindi ka makakasabay sa paghula kung sino ang totoong may sala rito dahil hindi gaanong established ang mga side characters. Ilang beses lang silang ipinakita at karaniwan ay nababanggit lang ang mga pangalan nila. Hindi sila mananatili sa utak mo at ang tanging role mo lang bilang manonood ay manood at antaying mabalatan ang sanga-sangang misteryo na nakahain para sa pelikula. Dahil dito, kahit na unpredictable ang mga tagpo, walang gulat factor ang mga revelations. Sayang dahil napakatalino at masusi pa naman ang pagkakatago ng bawat elemento.

Ang Enola Holmes 2 ay mas maaksyon, mas amganda ang misteryo at may halo na rin itong romance. Aliw na aliw ako sa trio nila Enola, Sherlock at Tewkesbury. Nakabuo na sila ng magandang chemistry sa pelikulang ito kaya naman hindi ako magrereklamo kung sila na naman ulit ang bibida kung sakali mang magkaroon ng part 3 ang palabas na ito.


© Legendary Pictures, PCMA Productions

No comments:

Post a Comment