Starring: Rhian Ramos, Enzo Marcos
Genre: Animation, Drama, Fantasy, Romance
Runtime: 1 hour, 34 minutes
Director: Avid Liongoren
Writer: Charlene Sawit-Esguerra, Carlo Ledesma, Avid Liongoren
Production: Rocketsheep Studios, Mandrake Films, KB Studios, Alchemedia Productions
Country: Philippines
Matagal nang may gusto ang comic book artist na si Marty (Enzo Marcos) sa best friend niyang si Sally (Rhian Ramos). Pero ang pagmamahal niya sa dalaga ay hindi niya maamin-amin dahil iba ang priorities ng dalaga sa kasalukuyan, hindi pa kasama rito ang sarili niyang problema sa loob ng kanilang tahanan.
Bagong-bago sa panlasa ng mga Pinoy ang pelikulang ito. Minsan lang tayo magkaroon ng pelikula na kakaiba ang isitlo. Pinagsama kasi rito ang animation at totoong tao. Ang ganda ng pagkaka-blend ng 2D background sa main cast. Ang maganda pa rito ay hindi lang naging background ang animation dito kundi nagkaroon din sila ng interaction sa mga bida. Pinakanagustuhan ko ay 'yung mga eksena ni Sally kasama ang animated version ni Nick (TJ Trinidad).
Hindi man ito ganoon kapulido kung ikukumpara sa mga makabagong pelikula pero sa taon kung kailan ito ginawa at ipinalabas ay malaking bagay na ito para sa industriya ng pelikulang Pilipino. Napaka-detalyado ng animation nito kaya nakakaaliw itong panoorin. Masarap sa mata ang visuals ng palabas dahil sa pagiging makulay ng background na siyang kabaliktaran ng madilim na kuwento na pinagdadaanan ng mga bida. Very comic book ang dating at nagustuhan ko naging ang animated version ng Metro Manila. Minsan lang natin ito makita at nagawa nila ito ng maayos.
Bago rin para sa akin na ang pangunahing lengguwahe ng pelikula ay English. Bumagay ito sa tema ng pelikula na mas nagbigay ng kakaibang flavor. Pagdating sa storyline, simple lang ito pero realistic naman ang approach. Hindi man bago ang love story sa pagitan ng dalawang bida ay relatable naman ito. Isa pa ay aminado naman ang palabas na tipikal love story lang ito dahil 'yun mismo ang tagline nila. Masyado mang simple ang naging resolution pero pasado na rin kahit papaano. Hindi ako gaanong humanga sa naging pag-arte nila Ramos at Marcos pero tolerable naman sila dahil maayos naman ang naging pagganap nila.
Isang masayang experience ang ibibigay ng Saving Sally sa mga manonood — kakaiba, nakakamangha at napakamahiwaga.
© Rocketsheep Studios, Mandrake Films, KB Studios, Alchemedia Productions
No comments:
Post a Comment