Search a Movie

Saturday, July 27, 2024

Extraction 2 (2023)

5 stars of 10
★★★★★ 

Starring: Chris Hemsworth, Golshifteh Farahani
Genre: Action
Runtime: 2 hours, 2 minutes

Director: Sam Hargrave
Writer: Joe Russo
Production: Joe RussoWild State, AGBO, T.G.I.M. Films
Country: USA


Matapos makaligtas mula sa kamatayan ay muling nagbabalik si Tyler Rake (Chris Hemsworth) kasama ang kaniyang team para sa bagong misyon — ito ay para iligtas ang pamilya ng kapatid ng kaniyang dating asawa. Pero bago niya magawa ito ay kailangan muna niyang harapin ang lider ng isa sa pinakamalaking crime syndicate sa buong Georgia.

Literal na karugtong ng naunang pelikula ang Extraction 2. Magsisimula ang palabas sa katapusan ng part 1 pero kahit ganoon ay standalone film pa rin naman ito at kahit na hindi mo pa napapanood ang part 1 ay maiintindihan mo pa rin naman ang takbo ng kuwento.

Simula pa lang ay jampacked na ang aksyon sa palabas na ito. Parang zombie movie nga ang naging eksena sa kulungan kung saan hindi na naubos-ubos ang kalaban ng bida. Halos maging superhero na nga ang dating nito lalo't para bang hindi siya tinatablan ng mga bala at patalim. Ganoong klase ng aksyon ang mapapanood mo sa Extraction 2 at kung mahilig ka sa action films ay ito ang pelikulang nararapat para sa iyo.

Pagdating sa kuwento, hindi ko ito gaanong nagustuhan dahil hindi ko ito ramdam. May conflict at character development naman ang palabas pero hindi ako nagkaroon ng interes sa takbo ng istorya. Dahil siguro wala akong pakialam sa pamilyang inililigtas ng bida. Kulang ang characterization nila para magkaroon ako ng empathy sa kanila. Nakadagdag pa na nakakainis ang isa sa mga bata na okay lang naman dahil nakadagdag ito sa conflict. Medyo boring ang mga karakter sa pagkakataong ito.

Masyado ring mahaba ang pelikulang ito para lang sa isang napakasimpleng kuwento. Puro barilan at walang humpay na bugbugan ang mapapanood dito. Mabagal ang usad ng kuwento dahil doon. Masyado ring makapal ang plot armor ng mga bida pati na rin ang kalaban sa puntong hindi mo na alam kung tatapusin mo pa ba ito o hindi na dahil obvious din naman kung ano ang magiging ending nito. Isa itong sequel na kinailangang bigyan ng closure para magkaroon pa ng mas mahabang franchise. Nakakalungkot dahil maganda pa naman ang part 1 nito. Pero kung ako ang tatanungin ay hindi rin naman issue sa akin kung sakali mang gawin nilang franchise ang pelikulang ito.


© Joe RussoWild State, AGBO, T.G.I.M. Films

No comments:

Post a Comment