Search a Movie

Monday, July 22, 2024

Hello, Goodbye, and Everything in Between (2022)

4 stars of 10
★★★★ 
☆☆

Starring: Jordan Fisher, Talia Ryder
Genre: Romance
Runtime: 1 hour, 22 minutes

Director: Michael Lewen
Writer: Amy Reed, Ben York Jones, Jennifer E. Smith (novel)
Production: ACE Entertainment, Lionsgate
Country: USA


Bago pumasok sa isang relasyon, isang pangako ang binitiwan nila Aidan (Jordan Fisher) at Clare (Talia Ryder) sa isa't isa — kailangan nilang maghiwalay bago sila mag-college. Pero sa huling araw ng kanilang senior year, ang dapat na break-up na inaasahan nila ay mauuwi sa isang pagbabalik-tanaw mula sa naging buhay nila bilang magkasintahan.

Mahirap hanapan ng chemistry sina Fisher at Ryder sa simula ng pelikula dahil napakabilis ng mga pangyayari. Wala pang 10 minutes ay sila na agad at sa halip na payabungin pa ang love story nilang dalawa ay nagmistulang pagbabalik-tanaw na lang ang nangyari. Para tuloy naging outsider ang mga manonood sa ginawa nila. Hindi ka maka-relate sa pinagdadaanan ng mga bida dahil hindi ka naman naging parte ng karanasan nila.

Walang interesting sa istory ng palabas na 'to dahil napakasimple ng conflict. Ang dali lang bigyan ng solusyon ang problema ng mga bida. Sa halip na ayusin ay mas ginawa lang nilang komplikado ang lahat kahit na hindi naman ito dapat talaga gano'n kabigat. Mas maiintindihan ko pa sana ang dilemma nila Aidan at Clare kung sa simula palang ay binigyan nila tayo ng maayos na insight kung papaano umusbong ang love story nilang dalawa. Pero ang ginawa pelikula ay na-short cut ang love story para ma-highlight ang break-up na siyang main plot ng pelikula.

Ang hirap hanapan ng sense ang palabas na 'to. Para bang bumuo sila ng sariling problema para lang magkaroon ng kuwento. Pati ang mga subplots ng pelikula ay hindi interesante. Napakababaw ng storyline at maaaksaya lang ang mahigit isang oras mo sa panonood nito. Sayang dahil magaling pa naman si Fisher sa kaniyang naging pag-arte.


© ACE Entertainment, Lionsgate

No comments:

Post a Comment