★★★★★ ☆☆☆☆☆
Starring: Jessica Alba
Genre: Action, Crime
Runtime: 1 hour, 46 minutes
Director: Mouly Surya
Writer: John Brancato, Josh Olson, Halley Gross
Production: Thunder Road Films, Lady Spitfire
Country: USA
Matapos mapag-alamang pumanaw na ang kaniyang ama ay bumalik ang military combat at investigator na si Parker (Jessica Alba) sa kanilang lugar upang bigyan ng maayos na libing ang kaisa-isa niyang pamilya. Subalit sa kalagitnaan ng kaniyang pagluluksa ay malalaman nitong may mas malalim pa palang rason ang pagkamatay ng kaniyang tatay.
Magaling si Alba sa mga action scenes. Maangas ang karakter nito at nakakatuwang panoorin ang isang balingkinitang babae na namumugbog ng mga dambuhalang kalalakihan.
Pagdating sa istorya, walang kadating-dating ang conflict nito. Mananatili ka lang sa panonood dahil masyadong g*go ang mga kontrabida rito at gusto mong makita kung papaano sila paghigantihan ng bida. 'Yun lang ang magiging habol mo sa palabas at kung anuman ang storyline na inilaan para sa pelikulang ito ay hindi ito nakapupukaw ng interes dahil wala itong thrill.
Hindi ko alam kung nasaan ang setting ng palabas pero maliban sa bar, bahay ng kontrabida at bahay ng ilang side character ay parang wala nang ibang tao pa sa lugar nila. Hindi na-establish ng maayos ang bayang kinaroroonan nila at puro lupa lang ang makikita mo. Parang walang kalatuy-latoy tuloya ng mga nangyayari dahil halatang sa isang malawak na set lang nangyayari ang lahat. Hindi man lang sila nag-effort na magpakita ng ekstra para sana maramdaman mong nasa totoong buhay sila. O kaya'y magbigay ng areal shot para makita ang mga kabahayan sa lugar nila.
Ang aksyon ng palabas ang tanging nagustuhan ko rito sa Trigger Warning ngunit maging ito ay hindi naisalba ang pelikula. One dimensional ang mga karakter at wala kang mahihintay rito kundi ang ending na wala ring impact.
© Thunder Road Films, Lady Spitfire
No comments:
Post a Comment