Search a Movie

Thursday, June 20, 2024

The Black Phone (2021)

8 stars of 10
★★★★★ ☆☆

Starring: Mason Thames, Ethan Hawke
Genre: Mystery, Thriller
Runtime: 1 hour, 43 minutes

Director: Scott Derrickson
Writer: Scott Derrickson, C. Robert Cargill, Joe Hill (novel)
Production: Universal Pictures, Blumhouse Productions, Crooked Highway
Country: USA


Taong 1978, sunud-sunod na kidnapping ang naganap sa Denver kung saan ay puro mga kabataang lalaki ang biktima. Binansagan ang naturang kidnapper bilang "The Grabber" at ang pinakabago nitong biktima ay si Finney (Mason Thames).

Habang nakakulong sa basement ay isang kababalaghan ang magaganap kung saan ay makakausap ni Finney sa telepono ang mga dating biktima ng The Grabber para tulungan siyang makaligtas at mabigyang hustisya ang kanilang pagkamatay.

Kakaiba ang tema ng pelikulang ito. Pinagsama ang takot na mararamdaman mo sa multo at takot na mararamdaman mo sa masasamang tao. Hindi ito full-pledged na horror dahil nag-focus ang palabas sa mystery aspect ng kuwento. Parang nasa escape room ang bida na kailangan niyang hanapin ang mga clues na iniwan ng mga dating biktima para makatakas siya mula sa kamay ng kidnapper.

Maliban sa takot ay nakaramdam din ako ng kaunting lungkot habang pinapanood ko ang palabas na ito. Kasabay kasi ng horror na itinatampok dito ay ang realization na nangyayari talaga ang ganitong klase ng krimen sa totoong buhay. Ang kaibahan nga lang ay walang telepono na maaaring gamitin ang mga biktima para matulungan ang katulad nila.

Maganda ang The Black Phone dahil binibigyan nito ng mukha ang mga pinagdaanan ng mga taong biktima ng kidnapping. Ang maganda rito ay hindi na sila nagsayang pa ng oras para bigyan ng background ang killer para sana maipaliwanag kung bakit niya ito ginagawa. Magandang desisyon ito dahil hindi na dapat pang ipaliwanag ang psychotic behavior ng kidnapper dahil anuman ang rason nito ay wala siyang karapatang kumidnap at pumatay ng bata.

Hindi ito gaanong nakakatakot maliban na lang sa ilang jumpscares pero sa tingin ko ay hindi naman talaga 'yun ang goal ng pelikula. Ang nais lang nito ay maiparamdam sa bawat manonood ang pagkabagabag sa mga nangyayari at naibigay naman nila ito nang maayos.


© Universal Pictures, Blumhouse Productions, Crooked Highway

No comments:

Post a Comment