★★★★★★★★★ ☆
Starring: Amy Poehler, Maya Hawke
Genre: Animation, Adventure, Comedy, Family, Fantasy
Runtime: 1 hour, 36 minutes
Director: Kelsey Mann
Writer: Meg LeFauve, Dave Holstein, Kelsey Mann (story)
Production: Pixar Animation Studios
Country: USA
Sa pagdadalaga ni Riley (Kensington Tallman) ay apat na panibagong emosyon ang dumating sa buhay niya — sina Anxiety (Maya Hawke), Envy (Ayo Edebiri), Ennui (Adèle Exarchopoulos) at Embarrassment (Paul Walter Hauser). Dahil dito ay na-etsapwera ang mga orihinal nitong emosyon na sina Joy (Amy Poehler), Sadness (Phyllis Smith), Disgust (Liza Lapira), Anger (Lewis Black) at Fear (Tony Hale).
Matapos silang maging suppressed emotions ay kinakailangan ngayong makabalik ng grupo nila Joy sa headquarters bago pa man mapalitan nila Anxiety ang totoong ugali ni Riley.
Mas likable ang mga original character dito ngayon dahil nakapag-invest na tayo sa kanila ng emosyon at nagkaroon na sila ng character development mula sa naunang pelikula. May teamwork na sila ngayon at mas naging makulit pa. Kumpara sa naunang palabas ay nabigyan naman ng chance dito sina Disgust, Anger at Fear na makasama si Joy sa isang adventure.
Sobrang relatable ni Anxiety dito sa Inside Out 2 at aminin man natin o hindi ay siya minsan ang nagiging dahilan kung bakit nakagagawa tayo ng mga maling desisyon sa buhay. Napakaganda ng pagpapakilala nila sa mga bagong emosyon. Mas lumawak ang pang-unawa natin kung papaano gumana ang ating isipan dahil sa pagsasabuhay nila sa kung anuman ang nangyayari sa loob ng ating utak.
Nakakaaliw ding panoorin ang naging interpretation ng palabas sa iba't ibang mental behavior ng isang tao tulad ng sense of self, suppressed emotions, long-term at short-term memory, conscious thoughts, brainstorm gano'n din ang pagbibigay nila ng representation sa ating sariling imahinasyon.
Maganda ang animation ng pelikula. Nakakatuwa ring makita na pinagsama-sama nila ang 3D at 2D animation pati na rin ang animation mula ng video games. Wala itong Bingbong moment pero may kurot pa rin ang pelikulang ito dahil mas mararamdaman ito ng mga matatandang dumadaan ngayon sa iba't ibang mental health issues.
Sobrang relatable ng palabas dahil lahat tayo ay dumaan o kasalukuyang ginagawa ang kung anuman ang nangyayari sa ating bida. Nakatutuwa lang itong makita mula sa point of view ng mismong mga emosyon natin. Pero ang pinakanakamamangha sa lahat ay kung papaano nila ibinigay ang isang napakahalagang aral — walang taong masama, walang taong mabuti, lahat tayo ay pinaghalong masama at mabuti. Kaya naman dapat nating yakapin ang pagiging malakas at mahina natin dahil ito ang bumubuo sa 'ting pagkatao.
© Pixar Animation Studios
No comments:
Post a Comment