Search a Movie

Wednesday, June 19, 2024

Zom 100: Bucket List of the Dead (2023)

6 stars of 10
★★★★ ☆☆☆☆

Starring: Eiji Akaso, Mai Shiraishi, Shuntarô Yanagi
Genre: Action, Comedy, Fantasy
Runtime: 2 hours, 8 minutes

Director: Yusuke Ishida
Writer: Tatsuro Mishima, Haro Aso (manga)
Production: Robot Communications, Plus One Entertainment
Country: Japan


Abot-langit ang sayang nararamdaman ni Akira Tendo (Eiji Akaso) dahil sa wakas ay nakamit na nito ang pinapangarap niyang trabaho. Pero ang pagiging masaya nito sa trabaho ay mabilis na napalitan ng lungkot nung napagtanto niyang malayo pala ito sa buhay na kaniyang inaasahan.

Kaya naman nung biglang nagkaroong ng zombie apocalypse sa kanilang lugar ay siya na siguro ang pinakamasayang tao doon dahil sa wakas ay hindi na niya kailangang pumasok sa nakaka-depress nitong trabaho.

Simula pa lang ay mahu-hook ka na sa palabas dahil sinong bida ba naman ang matutuwa kapag nagkaroon ng zombie apocalypse? Walang iba kundi si Akira mismo. Bago para sa akin ang konsepto ng palabas na ito. Nagkalat ang mga zombies pero ang bida natin ay nagdiriwang sa halip na matakot at mangamba.

Ang problema nga lang ay hindi na-sustain ng palabas ang kakaibang tema nito dahil pagdating sa kalagitnaan ay naging tipikal na survival movie na ito. Medyo naging boring na ang mga ganap nung nahati na ang mga survivors sa masasama at mabubuti. Ganoon pa man, nagawan ng pelikula na maging unpredictable ang mga pangyayari. Bigla kasing may dumating na kalaban na hindi inaasahan. Ngunit para sa akin, doon na nag-downgrade ang pelikula. Kung anime lang sana ito ay matatanggap ko pa pero hindi talaga ito bumagay sa live action. Maging ang mga dramatic scenes ay nasobrahan sa pagiging madrama sa puntong nakaka-cringe na siya lalo na nung nag-ala superhero na ang mga bida.

Hindi ako fan ng make-up ng mga zombies dahil hindi ito makatotohanan. Ganoon pa man ay pinalampas ko na lang ito dahil comedy naman ang palabas. Natapaos ko naman ito nang nakangiti kaya kahit papaano ay naihatid nito ng maayos ang mga tamang emosyon sa manonood.


© Robot Communications, Plus One Entertainment

No comments:

Post a Comment