Search a Movie

Tuesday, June 25, 2024

Damsel (2024)

7 stars of 10
★★★★★ ☆☆☆

Starring: Millie Bobby Brown
Genre: Action, Fantasy
Runtime: 1 hour, 50 minutes

Director: Juan Carlos Fresnadillo
Writer: Dan Mazeau
Production: Roth/Kirschenbaum Films
Country: USA


Para mailigtas ang naghihirap nilang kaharian ay kinailangang maipakasal si Elodie (Millie Bobby Brown) sa prinsipe ng Aurea na si Prince Harry (Nick Robinson). Ang hindi alam ni Elodie, ang kasalang magaganap ay parte pala ng isang misteryosong seremonya na nagsimula siglo na ang nakararaan.

Maganda ang visuals ng palabas lalung-lalo na ang CGI ng dragon. Maayos din ang wardrobe, props at set design. Mararamdaman mo talaga ang sariling mundo na kanilang kinaroroonan. Straight to the point ang storyline ng Damsel. Wala itong paligu-ligoy, walang twist, walang kung anumang pakulo. Sinunod nito ang tipikal na storytelling katulad ng mga fairytale na napapanood natin. Ang kaibahan nga lang ay hindi ito tipikal na fairy tale. Hindi ito tungkol sa love story ng prinsipe at prinsesa kundi tungkol ito sa survival ng bida.

Ang kinainisan ko lang habang pinapanood ito ay ang walang humpay na pagsigaw ng mga bida. Parang out of character ito para kay Elodie dahil dapat ay mautak siya at madiskarte. Sigaw siya nang sigaw kahit na alam naman pala niyang hindi ito magandang ideya dahil malakas ang pandinig ng dragon. Maliban doon ay wala na akong ibang nakitang masama sa pelikula.

Sakto na ang palabas na ito bilang pampalipas oras. Mai-enjoy mo ang kuwento ng bida dahil palaban ito. Hindi masasayang ang oras mo dahil napakasatisfying ng katapusan ng kuwento.


© Roth/Kirschenbaum Films

No comments:

Post a Comment