★★★★★★ ☆☆☆☆
Starring: Chutimon Chuengcharoensukying, Nopachai Chaiyanam
Genre: Drama, Thriller
Runtime: 2 hours, 26 minutes
Director: Sitisiri Mongkolsiri
Writer: Kongdej Jaturanrasamee
Production: Song Sound Production
Country: Thailand
Cook sa maliit nilang restaurant si Aoy (Chutimon Chuengcharoensukying) na nakilala dahil sa kakaibang recipe nito ng noodles. Dahil sa galing at talento nito sa pagluluto ay naimbitahan si Aoy para mag-audition at makapagtrabaho sa ilalim ng sikat na chef na si Chef Paul (Nopachai Chaiyanam). Sa kagustuhang maging espesyal ang kaniyang mahirap na buhay, gagawin ni Aoy ang lahat para lang ma-impress ang aroganteng si Chef Paul.
Unang napansin ko sa plabas ay ang acting. Parang laging galit at naka-kunot noo ang bida nito na para bang gustong lumaban pero wala namang ginagawa, gano'n din si Tone (Gunn Svasti Na Ayudhya) na parang laging clueless. Kulang sila sa emosyon at mahirap basahin kung ano ba talaga ang gusto nilang iparating sa eksenang kinaroroonan nila. Hindi ko tuloy ma-appreciate ang mga intense scenes dahil doon.
Predictable ang storyline ng Hunger. Alam mo na kung saan ito patutungo pero masaya pa rin naman itong panoorin. Aabangan mo kung ano ang kahihinatnan ng bida at kung maipaglalaban ba nito ang gusto niyang ipaglaban. Maganda rin ang cinematography at nakaktakam ang bawat shot ng mga pagkaing ipinapakita nila. Medyo exaggerated nga lang ang representation nila sa mga mayayamang ipokrito lalo na tuwing kumakain sila ng mga luto ni Chef Paul. Alam ko naman na ginawa nila 'yon para mabigyang highlight ang titulo ng pelikula pero hindi ko talaga ito nagustuhan.
Masyado ring mabilis ang timeline. Parang kailan lang nung hirap pa ang bida na maghiwa ng karne at gulay. Pinalabas nila na marami pang kakaining bigas si Aoy pero sa kalagitnaan ay biglang nakatatayo na siya sa sarili niyang paa nang hindi man lang ipinapakita kung anu-ano ang mga pinagdaanan niya para matuto.
Maganda na naipakita sa palabas na 'to ang iba't ibang klase ng "hunger," literal man 'yan o metaphorical. Thrilling siyang panoorin lalo na't pataasan ng ego ang ganap sa pelikulang ito. Medyo stereotype pero maganda itong pain para kagatin ito ng madla. Ganoon pa man ay hindi ako satisfied sa naging ending nito. Side character ang tumapos sa career ng kontrabida at dahil doon ay para bang walang napatunayan ang bida sa palabas. Para silang nag-cheat para lang magkaroon ng maayos na katapusan. Sa toto lang, ang ending nito ay parang doon pa lamang magsisimula ang climax ng pelikula kaya maiiwan ka talagang bitin dahil black screen na ang kasunod nito.
© Song Sound Production
No comments:
Post a Comment