★★★★★★ ☆☆☆☆
Starring: Brie Larson, Teyonah Parris, Iman Vellani
Genre: Action, Adventure, Fantasy
Runtime: 1 hour, 45 minutes
Director: Nia DaCosta
Writer: Nia DaCosta, Megan McDonnell, Elissa Karasik
Production: Marvel Studios
Country: USA
Sa hindi malamang kadahilanan, biglang nagkaroon ng koneksyon ang kapangyarihan nila Carold Danvers (Brie Larson), Kamala Khan (Iman Vellani) at Monica Rambeau (Teyonah Parris). Tuwing sabay-sabay nilang ginagamit ang kanilang kapangyarihan ay nagteteleport at nagpapalit-palit sila ng mga puwesto. Ngayon ay kinakailangang magtulungan ng tatlo para mailigtas ang kalawakan sa nakaambang panganib.
Simula pa lang ay napakaganda na ng visual effects ng The Marvels. Halatang pinaghandaan at pinagkagastusan nila ito kaya hindi nakakadismaya ang panonood dahil visually appealing ang palabas. Hindi rin nagpakabog ang mga action scenes dito dahil napakaganda ng mga fight sequences na hinaluan ng super powers. Parang nagsasayawan ang mga bida't kontrabida sa kanialang labanan. Napaka-cool lang ng kapangyarihan nila Danvers, Khan at Rambeau dahil konektado sila sa isa't isa. Ito ang nagpaganda sa mga maaksyon na labanan.
Si Vellani ang pinakanagustuhan ko sa The Marvels. Nakakatawa ang karakter nito at sa kaniya mangagaling ang humor ng pelikula. Tuwang-tuwa ako sa mga antics niya at lahat ay pasok sa banga. Maliban sa comedic timing ay maganda rin ang chemistry niya sa dalawa niyang kasama.
Kung gaano ko nagustuhan si Kamala Khan ay kabaliktaran naman sina Danvers at Rambeau. Boring ang mga karakter nila dahil kinulang ito sa background. Hindi ka magi-invest ng emosyon sa kanila at anumang mangyari sa dalawang karakter ay hindi ka magiging apektado emotionally. Hindi rin maganda ang naging pag-arte nila dito lalo na si Larson na siyang sayang dahil napakaganda ng production ng pelikula.
Hindi ito kasing ganda ng mga naunang Marvel movies. Wala itong impact dahil walang kadating-dating ang climax nito. Sobrang dali nilang tinapos ang kalaban nang wala man lang ka-thrill-thrill. Isa ito sa mga pelikulang hindi mo masyadong pagi-interesan maliban na lang kung fan ka ng bida. Pero masasabi kong promising ang naging ending at mid credit scene nito.
© Marvel Studios
No comments:
Post a Comment