Search a Movie

Tuesday, June 18, 2024

Madame Web (2024)

5 stars of 10
★★★★★ 

Starring: Dakota Johnson, Sydney Sweeney, Isabela Merced, Celeste O'Connor
Genre: Action, Adventure, Sci-Fi
Runtime: 1 hour, 56 minutes

Director: S.J. Clarkson
Writer: Matt Sazama, Burk Sharpless, Claire Parker, S. J. Clarkson, Kerem Sanga (story)
Production: Columbia Pictures, Di Bonaventura Pictures, Marvel Entertainment, TSG Entertainment
Country: USA


Isang paramedic si Cassandra Web (Dakota Johnson) na bigla na lang nagkaroon ng kapangyarihang makita ang hinaharap. Tatlong kabataan ang susubukan niyang iligtas matapos nitong makita sa kaniyang vision ang nakaambang panganib sa kanilang buhay mula sa isang misteryosong lalaki na hindi niya alam ay may kinalaman pala sa pagkamatay ng kaniyang ina.

Ni isa sa mga karakter dito ay wala akong nagustuhan. Lahat sila'y reklamador, maarte, entitled at hindi nag-iisip. Hindi nila alam kung anong priority nila kahit na hinahabol na sila ni kamatayan. Hindi maganda ang chemistry ng apat at sa buong pelikula ay sobrang awkward ni Johnson. Parang wala siyang gana sa ginagawa niya. Cold at distant ang karakter na isinasabuhay niya pero maging sa mga eksena kung saan ay kailangan ng matinding emosyon ay para nagdudula-dulaan lang siya.

Boring ang storyline dahil napakaluma na nito. Ilang beses nang nangyari ang kuwento kung saan ang kontrabida ay kailangang paslangin ang mga taong nakatakdang kumitil sa kaniyang buhay. Propesiya man ito o vision, iisa lang ang naging takbo ng kuwento katulad ng iba pang pelikula na may kaparehong konepto. Wala itong bagong naipakita kaya wala nang nakakamangha pa rito.

Nakaka-cringe din ang humor ng palabas. Sinubukan nilang magpatawa para mapagaan ang ilang eksena pero hindi ito umubra dahil wala silang binitawang joke na nakakatawa. Wala ring excitement ang climax. Hindi ko nakita rito ang magandang fight scenes na karaniwang nakikita sa mga Marvel movies. Hindi rin gaanong kahanga-hanga ang visual effects nito. Walang dating ang pelikula, boring ang mga karakter at walang bago sa kuwento. Ang nagustuhan ko lang siguro dito sa palabas ay ang koneksyon nito sa Spider-Man dahil kasama bilang side character sina uncle Ben at ang ina ni Peter na si Mary Parker.


© Columbia Pictures, Di Bonaventura Pictures, Marvel Entertainment, TSG Entertainment

No comments:

Post a Comment