Search a Movie

Tuesday, June 18, 2024

Atlas (2024)

7 stars of 10
★★★★★★★ ☆☆☆

Starring: Jennifer Lopez
Genre: Action, Adventure, Sci-Fi
Runtime: 1 hour, 58 minutes

Director: Brad Peyton
Writer: Leo Sardarian, Aron Eli Coleite
Production: ASAP Entertainment, Safehouse Pictures, Nuyorican Productions, Berlanti-Schechter Films
Country: USA


Sa tangkang pagsakop ng mga teroristang AI sa planeta, kailangang makipagtulungan ni Atlas Shepherd (Jennifer Lopez) sa International Coalition of Nations para mahanap ang kuta ng lider nito na si Harlan Shepherd (Simu Liu). Kasabay nito ay kailangan ding harapin ni Atlas ang kaniyang trauma sa nakaraan na ang dahilan ay si Harlan mismo.

Labanan ito ng mga robot sa outer space katulad sa larong Space Impact. Namangha ako sa naging visualization ng palabas pagdating sa hinaharap pati na rin sa imaging na binuo nila para sa isang planeta sa Andromeda Galaxy. Talagang futuristic ang dating ng palabas at hindi sila pumalpak pagdating sa special effects at CGI.

Maganda ang chemistry nila Lopez at Gregory James Cohan kahit na boses lang ang maririnig natin mula sa kaniya. Nakakaaliw ang banter sa pagitan ng dalawa na maging ikaw ay magiging kumportable kahit na ang katotohanan ay AI lang naman talaga ang kasama ni Atlas sa isang estrangherong planeta.

Sa pelikulang ito, naipakita nila kung ano ang maaaring kahinatnan ng mundo kapag hinayaan ng mga tao ang mga AI na patuloy na mag-evolve. Naiparamdam ng palabas kung gaano kalakas ang kalaban at kung gaano kawalang-laban ang bida. Dahil dito ay mas lalong lalaki ang pagsuporta mo sa kaniya dahil lahat tayo, gustong makita kung paano magwagi ang isang underdog.

Maayos naman ang naging pagganap ni Lopez sa karakter nito pero kulang na kulang pa ang ipinakita niyang emosyon para sa trauma ng taong isinasabuhay niya. Hindi niya kayang umiyak at ni isang patak ng luha ay wala akong nakita kaya naman hindi gaanong ramdam ang pagiging emotional ng revelation scene. Ganoon pa man ay napaka-astig niya sa pelikulang 'to. Nakuha niya ang pagkakaroon ng swag ng mga bida sa mga ganitong klaseng palabas.

Maganda ang kuwento at satisfying ang mga tagpo. Epic rin ang tapatan ng bida at ng kontrabida. May emosyon at magi-invest ka sa mga karakter. Hindi siya boring dahil may saysay ang palabas.


© ASAP Entertainment, Safehouse Pictures, Nuyorican Productions, Berlanti-Schechter Films

No comments:

Post a Comment