Search a Movie

Wednesday, June 12, 2024

Moneyboys (2021)

6 stars of 10
★★★★★★ ☆☆☆☆

Starring: Kai Ko, Bai Yufan, JC Lin
Genre: Drama
Runtime: 2 hours

Director: C.B. Yi
Writer: C.B. Yi
Production: Arte France Cinéma, KGP Filmproduktion, La Compagnie, Cinématographique, Panache Productions, Zorba Production
Country: Taiwan


Isang lalaking bayaran si Liang Fei (Kai Ko). Dahil sa trabaho niyang ito ay hindi siya tanggap ng sarili niyang pamilya. Pero sa tulong ng Liang Long (Bai Yufan) na kapareho niyang nagmula sa lugar na kaniyang kinalakihan ay magkakaroon ng karamay sa buhay si Fei. Ganoon pa man, magugulo ang pagsasama nilang ito nang muli nitong nakita ang kaniyang dating kasintahan na kaniyang iniwan dahil sa isang masamang pangyayari nakaraan.

Kakaiba ang storytelling ng Moneyboys. Kailangan mo kasing basahin ang bawat eksena at bawat salita ng mga karakter dahil hindi nila mismo sasabihin sa'yo kung ano ang nangyayari sa halip ay ipapakita nila ito. Hindi para sa lahat pero isa ito sa mga nagustuhan ko sa palabas dahil kailangan mo ng maayos na comprehension sa panonood nito, kung hindi ay malilito ka lang.

Medyo mabagal nga lang ang pacing ng palabas kaya mabagal din ang takbo ng istorya. Napakaraming eksena kung saan masyado itong pino-prolong para sa visuals. May mga pagkakataon na okay naman ito dahil mas ramdam mo ang emosyon ng bawat eksena kahit na walang nangyayari pero minsan, hindi na talaga ito kailangan. Nakaka-bore lang ito lalo na kung gusto mo nang umusad ang kuwento. Ang kinalabasan nito, 80% ng palabas ay tungkol lang sa pag-establish sa karakter ng bida.

Magaling ang ipinamalas na pag-arte ni Kai, underacting, pero ramdam mo ang lungkot na pinagdaraan ng kaniyang karakter. Hindi niya kailangan ng matinding emotional scene o luha para maipakita sa manonood na may pinagdadaanang mabigat na problema ang karakter niya.

Sa huling tatlumpung minuto ng palabas, doon lang gumanda ang kuwento. Nagkita na kasi ang dapat na magkita. Doon na rin magkakaroon ng conflict. Sa maikling oras na 'yun naganap ang tunay na kuwento na siyang inabangan ko nang napakahabang oras. Maganda ang kuwento pero sa tingin ko ay hindi ito para sa lahat.


© Arte France Cinéma, KGP Filmproduktion, La Compagnie, Cinématographique, Panache Productions, Zorba Production

No comments:

Post a Comment