Search a Movie

Monday, June 17, 2024

I Am Not Big Bird (2024)

7 stars of 10
★★★★★★★ 

Starring: Enrique Gil, Nikko Natividad, Red Ollero, Pepe Herrera
Genre: Comedy
Runtime: 1 hour, 36 minutes

Director: Victor Villanueva
Writer: Lilit Reyes, Joma Libayen
Production: Anima Studios, Black Sheep Productions, Immerse Entertainment
Country: Philippines


Para makapag-move on sa break-up nila ng kaniyang girlfriend ay nagpunta sa Thailand si Carpio (Enrique Gil) kasama ang mga kaibigang sina Macky (Nikko Natividad) at July (Red Ollero). Pero ang sana'y masayang bakasyon ng tatlo ay mauuwi sa gulo matapos mapagkamalan si Carpio bilang ang sikat na si "Big Bird" na nakilala sa mundo ng porno.

Pure comedy ito tungkol sa topic na hindi angkop sa mga bata. Hindi ito puwedeng panoorin kasama ang buong pamilya kung ayaw mong maging awkward ang atmosphere dahil tungkol ito sa sex, porn at birdie na halata naman sa titulo. Literal nga na may frontal scene dito ang tatlong bida.

Aliw na aliw ako sa mga eksena lalo na nung nasa Thailand sila at sa halip na ipakita sa screen ang mga nangyayari sa mga hot scenes ay ginawa itong narration na may kasamang visual aids. Fresh ang mga jokes sa first half ng palabas at hindi nakaka-cringe. Kahit na exaggerated ang ilan ay mapapatawad mo naman ito.  Maging ang saoundtrack nga ay may sarili ring humor.  Pero pagdating sa second half, tila ba naubusan na sila ng bagong jokes kaya inulit na lang nila ang mga dating humor na proven and tested na. Napangatawanan naman nila ng maayos ang pagiging comedy ng pelikula pero ang hindi ko lang nagustuhan ay ang sound effects nito. Ang lakas kasing maka-cartoons at sitcom. Kulang na lang ay ang laughing track na hindi naman talaga kailangna dahil nakakatawa na ang mga tagpo.

Hindi lang din ito basta comedy. Kahit papaano ay naisingit din nila ang kaunting aral tungkol sa pagkakaibigan. Hindi pang-Urian ang storyline nito pero maayos ang naging pagkakalapat ng mga tagpo. May mga minor plotholes nga lang pero hindi naman ito gaanong importante. Isa ang I am not Big Bird sa mga pelikula na hindi mo kailangang seryosohin, kailangan mo lang sumabay sa agos para ma-enjoy ang panonood nito.


© Anima Studios, Black Sheep Productions, Immerse Entertainment

No comments:

Post a Comment