Search a Movie

Friday, June 14, 2024

Under Paris (2024)

8 stars of 10
★★★★★★★★ 

Starring: Bérénice Bejo, Nassim Lyes
Genre: Thriller
Runtime: 1 hour, 44 minutes

Director: Xavier Gens
Writer: Yannick Dahan, Maud Heywang, Xavier Gens
Production: Let Me Be
Country: France


Isang dambuhalang pating ang biglang namugad  sa Seine kung saan dapat gaganapin ang inaabangang triathlon sa Paris. Para maipagpatuloy ang naturang kaganapan ay kinakailangan ng scientist na si Sophia Assalas (Bérénice Bejo) na balikan ang trauma niya mula sa kaniyang nakaraan para matulungan ang mga awtoridad sa pagharap matinding kalaban.

Maganda ang Under Paris. Maayos ang pagkakalapat ng kuwento nito, simple at madaling sundan. Wala itong boring moments dahil balanse ang drama at thrill ng pelikula. Maayos din ang buong cast, may kaiinisan ka at may susuportahan. Pagdating sa visuals, puwede na siya kahit na medyo halata pa rin ang CGI nito. 'Di bale dahil nakabawi naman sila sa practical effects. Napaka-makatotohanan ng pating na ginamit dito at isa ito sa mga nagustuhan ko sa palabas.

Hindi naman nakalampas sa 'kin ang pasimpleng banat nila sa mga trapong pulitiko na ang tanging hangad ay ang mapabango ang kanilang pangalan at mga aktibista na mayroon naman talagang ipinaglalaban pero mas inuuna ang kanilang kabobohan.

Ang huling dalawampung minuto ng pelikula ang pinakamagandang parte nito. Pure satisfaction ang mararamdaman ng mga manonood dahil dito mangyayari ang mga inaasahan at hindi inaasahan. Nakakakilabot ang mga takbo ng pangyayari at mapapatutok ka talaga hanggang sa katapusan nito. Bitin nga lang ang ending dahil hindi nila ipinakita kung ano ang kinahinatnan ng mga bida. Ang ikinaganda naman nito ay maaari nila itong gamitin para magkaroon ng sequel ang palabas na ito.


© Let Me Be

No comments:

Post a Comment