★★★★★★★ ☆☆☆
Starring: Ashley Ortega, Khalil Ramos
Genre: Drama
Runtime: 1 hour, 40 minutes
Director: John Rogers
Writer: John Rogers, Dolly Dulu, Cris Bringas
Production: Cinemalaya, The IdeaFirst Company, Film Development Council of the Philippines
Country: Philippines
Matapos lumamlam ang kaniyang kinang bilang online influencer ay makakatagpo ni Gemma (Ashley Ortega) ang aspiring musician na si James (Khalil Ramos). Isang pekeng relasyon ang bubuuin nilang dalawa para maibalik ang relevance ni Gemma online at para umangat naman ang career ni James. Subalit magkakagulo ang lahat nung ang dapat na pekeng relasyon nila ay naging totohanan na.
Napapanahon ang pelikulang ito dahil sa mabilis na sulputan ng mga bagong influencers kada araw. Paniguradong maraming makaka-relate dito dahil chronically online na ang mga tao ngayon at ito mismo ang tema ng palabas — tungkol sa clout, tungkol sa mga content na hindi na pinag-iisipan para lang sumikat at mag-viral.
Simula pa lang ay kapansin-pansin na ang galing ni Ortega sa ginagampanan niyang karakter. Ang galing ng atake niya bilang entitled na influencer. Equally ay nakasabay rin naman si Ramos sa kapareha niya kaya umaapaw ng chemistry ng dalawa. Labanan ng dialogue ang palabas na 'to kaya malaki ang tulong na marunong umarte ang parehong leads.
Maganda rin ang musical scoring ng pelikula. Ito ang nagsi-set ng tone sa palabas na para bang may isang bagay na hindi normal sa mga mangyayari. Bibigyan ka nito ng pakiramdam ng pagkabalisa dahil para bang anumang oras ay may mangyayari. Music ang ginamit ng palabas para magsilbing foreshadowing sa mga magaganap pa sa kuwento na para sa akin ay napakatalinong move.
Pinakamagandang scene sa buong pelikula ang eksena ng dalawang bida sa dining table kung saan naglabasan sila ng sama ng loob. Na-highlight doon ang galing ng dalawang aktor pati na rin ang ganda ng script. Lahat ng linyang binitawan nila ay may punto at hindi mo mawawari kung sino ang dapat mong papanigan, kung sa manipulative na girlfriend b o sa sad boy na boyfriend.
Ang pelikulang ito ang isang patunay na hindi lahat ng napapanood online ay totoo. Karaniwan ay ginagawa lang ito para makakuha ng views at ito rin ang itatanong mo sa sarili mo pagkatapos mong mapanood ang pelikulang ito. Alin doon ang totoo at alin doon ang para sa content lang? Medyo cryptic ang naging ending ng As If It's True at tingin ko'y nasa interpretation na lang ng manonood kung paano nila tatapusin ang love story nila James at Gemma.
© Cinemalaya, The IdeaFirst Company, Film Development Council of the Philippines
No comments:
Post a Comment