Search a Movie

Saturday, June 22, 2024

Charlie's Angels (2019)

7 stars of 10
★★★★★ ☆☆☆

Starring: Kristen Stewart, Naomi Scott, Ella Balinska
Genre: Action, Comedy
Runtime: 1 hour, 58 minutes

Director: Elizabeth Banks
Writer: Elizabeth Banks, Evan Spiliotopoulos, David Auburn
Production: Columbia Pictures, Perfect World Pictures, 2.0 Entertainment, Brownstone Productions, Cantillon Company
Country: USA


Isang mapanganib na teknolohiya ang naimbento ng scientist na si Elena Houghlin (Naomi Scott) na maaaring gamitin para kumitil ng buhay ng tao. Dahil sa pangambang kaniyang nararadman ay hinanap ni Elena ang tulong ng Charlie's Angels para mapigilan ang paglabas nito sa merkado. Kasabay nito ay mapag-aalaman niyang target na pala ng isang assassin ang kaniyang buhay.

Hindi ito reboot kundi ay third installment ng dalawang naunang pelikula na Charlie's Angels (2000) at Charlie's Angels: Full Throttle (2003). Bago man ang mga cast nito ay may kaunting nostalgia ka pa ring mararamdaman sa simula ng palabas dahil ipasisilip dito ang original cast para magbigay pugay sa mga naunang Angels.

Masyadong napaghahalataan ang feminist agenda ng palabas. Okay lang naman sana sa 'kin 'yun kaso nga lang ay napasobra sila. Which is ironic kasi bitin ang mga actions scenes na napanood ko rito sa pelikula kung kailan puwede sana nilang ipagyabang ang galing ng mga kababaihan sa pakikipaglaban. Minsan ay para silang nagro-roleplay bilang mga Angels dahil na rin sa mga immature antics ng mga bida.

Humor ang nagdala sa palabas na nanggaling sa karakter nila Kristen Stewart at Scott. Noong una ay nahirapan akong hanapan  ng chemistry ang tatlong bida pero sa dulo ay nasanay din naman ako sa kanilang grupo dahil naging maayos naman ang development ng mga karakter nila. Mahusay rin ang pagkakabigay ng mga red herring sa palabas. Dahil dito ay naging unpredictable ang mga tagpo. Hindi siya disappointing pero hindi rin naman gaanong nakakamangha. Puwede itong panooring bilang pampaalis ng stress at kapag gusto mong mag-chill lang dahil may maayos naman itong storyline at nakakatawa itong panoorin.


© Columbia Pictures, Perfect World Pictures, 2.0 Entertainment, Brownstone Productions, Cantillon Company

No comments:

Post a Comment