Search a Movie

Sunday, May 26, 2024

Red Eye (2005)

6 stars of 10
★★★★★★ ☆☆☆☆

Starring: Rachel McAdams, Cillian Murphy
Genre: Thriller
Runtime: 1 hour, 25 minutes

Director: Wes Craven
Writer: Carl Ellsworth, Dan Foos (story)
Production: BenderSpink, Craven-Maddalena Films
Country: USA


Sa isang flight papunta sa burol ng kaniyang lola, isang guwapong binata ang makikilala ni Lisa Reisert (Rachel McAdams) - si Jackson Rippner (Cillian Murphy) na agad niyang makakagaanan ng loob habang sila'y nasa biyahe. Subalit ang mabilis na pagkakaibigang mabubuo sa pagitan nilang dalawa ay may itinatago palang rason. Gustong gamitin ni Jackson si Lisa para sa isang political assassination at kapalit nito ay ang buhay ng kaniyang ama.

Magaling ang naging pagsasabuhay nila McAdams at Murphy sa kaniya-kaniya nilang karakter. Naiparamdam ni McAdams sa mga manonood kung papaano ang feeling ng ma-hostage nang walang kalaban-laban sa gitna ng alapaap. Pero mas humanga ako kay Murphy sa pagiging versatile nito sa pag-arte. Mula sa mabait at palakaibigang karakter ay biglang bumaliktad ang personalidad nito bilang isang cold at makasariling tao na siyang magpapainit ng ulo mo bilang manonood.

Maayos naman ang naging kuwento ng Red Eye pero pagkatapos ng mga rebelasyon ay medyo predictable na ang kuwento nito. Alam na natin kung saang direksyon papunta ang storyline nito na obviously ay kakampi sa bida. Maganda ang naging character development ng bida at satisfying naman ang naging ending nito. Forgettable man ang kuwento, tiyak ako na hindi ka naman magsasayang ng oras sa panonood nito.


© BenderSpink, Craven-Maddalena Films

No comments:

Post a Comment