Search a Movie

Sunday, May 19, 2024

You're Next (2011)

5 stars of 10
★★★★★ ☆☆☆

Starring: Sharni Vinson, Nicholas Tucci, Wendy Glenn, A. J. Bowen
Genre: Horror, Thriller
Runtime: 1 hour, 35 minutes

Director: Adam Wingard
Writer: Simon Barrett
Production: HanWay Films, Snoot Entertainment
Country: USA


Isang family reunion ang ginanap sa vacation home ng mga Davidson sa isang libib na lugar sa Missouri. Dinaluhan ito ng buong pamilya kasama ang bagong kasal na sina Crispian Davison (A. J. Bowen) at Erin (Sharni Vinson). Pero ang sana'y masayang bakasyon ng pamilya ay mabubulabog nang bigla silang atakihin ng mga hindi kilalang tao. Isa-isang malalagay sa panganib ang buhay ng bawat isa. Ngunit ang hindi inaasahan ng mga killer, marunong palang lumaban pabalik ang bagong miyembro ng pamilya na si Erin.

Kung mahilig ka sa slasher film, para sa'yo ang pelikulang ito. Ang problema nga lang, sa sobrang dami nang slasher movies na napanood ko, hindi na bago para sa akin itong You're Next. Predictable na ang mga pangyayari maging ang twist nito. Pati na rin ang conflict ng pamilya at kung ano ang rason ng mga pagpatay ay overused na. Maging ang style ng mga killers na nakamaskara ay  hindi na bago.

Ang nakakalito, nakamaskara sila kahit na hindi naman sila kilala ng viewers. Kahit i-reveal ang mga pagmumukha nila ay wala rin palang saysay kahit makita ang mukha nila dahil hindi naman pala sila notable characters. Wala ring dalang thrill ang pagsusuot nilang ng maskara, sa totoo lang.

Ang siguro'y nagustuhan ko lang dito ay ang pagiging gory ng mga death scenes. Sakto lang at hindi siya masyadong nakaka-stress. Palaban din ang bida na siyang nagbuhat ng buong pelikula. Ganoon pa man, forgettable ang pelikula para sa akin. Hindi maganda ang pagkakasulat ng mga characters, walang depth, pangit din ang pag-arte nila at sobrang babaw ng overall na reason kung bakit nangyari ang mga pag-atake dahil sa kakulangan ng background sa mga karakter.


© HanWay Films, Snoot Entertainment

No comments:

Post a Comment