Search a Movie

Sunday, March 3, 2024

Rewind (2023)

7 stars of 10
★★★★★★★ ☆☆☆

Starring: Dingdong Dantes, Marian Rivera
Genre: Drama, Romance, Fantasy
Runtime: 1 hour, 52 minutes

Director: Mae Czarina Cruz
Writer: Joel Mercado, Enrico C. Santos
Production: Star Cinema, APT Entertainment, AgostoDos Pictures
Country: Philippines


Masaya at buo na maituturing ang pamilya nila John (Dingdong Dantes) at Mary (Marian Rivera). Ngunit matapos ang mahabang panahong pagsasama, ang mga prayoridad sa buhay ni John ay unti-unting nagbago. Ang buong atensyon nito ay ibinuhos niya sa trabaho para sa promotion na kaniyang inaasahan sa puntong napapabayaan na niya ang mga responsibildad niya sa kaniyang pamilya. Doon nag-ugat ang awayan ng mag-asawa na nauwi sa isang aksidente.

Namatay si Mary at huli na ang lahat bago napagtanto ni John ang mga pagkukulang niya. Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon, mabibigyan si John ng tyansa na balikan ang nakaraan at baguhin ang mga naging takbo ng kapalaran nila ng kaniyang asawang si Mary.

Marami ang nagsasabing pamilyar na ang storyline ng Rewind at hindi na ito nakapagtataka dahil marami na ngang nagawang istorya na katulad nito. Ganoon pa man, malaki ang impact na iiwan ng palabas na ito sa mga manonood dahil ipapa-realize nito sa mga tao kung gaano kahalaga ang oras at buhay ng isang tao.

Magaling ang naging pagganap nila Dantes at Rivera sa palabas na ito. Marahil nakatulong na real-life partners sila para mas maging realistic ang mga eksena sa palabas. Magagaling din ang supporting cast. Maganda ang production ng pelikula, doon sila bumawi. Hindi man bago o kakaiaba ang kuwento nito ay hindi pa rin masasayang ang oras at pera mo sa panonood dahil pasado ito lahat pagdating sa ibang aspeto ng pelikula.

Isa sa mga nagustuhan ko rito ay ang naging representation nila sa Maykapal. May halo itong humor na hindi nakaka-insulto. Bumagay ang role bilang Lods kay Pepe Herrera dahil sa deadpan acting nito. Hindi mo aasahan na siya ang magbibigay ng comic relief sa makabagbag-damdaming istorya ng Rewind.

Marami na akong napanood na katulad ng Rewind pero nakagawa ang pelikula ng sarili nilang identity. Maayos ang flow ng istorya at maganda ang aral na nais iparating nito at 'yon ang pinakamahalaga.


© Star Cinema, APT Entertainment, AgostoDos Pictures

No comments:

Post a Comment