Search a Movie

Saturday, March 2, 2024

Ang Mga Kaibigan ni Mama Susan (2023)

5 stars of 10
★★★★★ ☆☆☆☆☆

Starring: Joshua Garcia, Angie Ferro
Genre: Horror
Runtime: 1 hour, 53 minutes

Director: Chito S. Roño
Writer: Bob Ong
Production: Regal Entertainment, Black Sheep Productions, CSR Films PH
Country: Philippines


Isang estudyante mula sa Maynila si Galo (Joshua Garcia) na nakatira kasama ang mga abusado nitong kamag-anak. Noong namatay ang tatay nito ay kinailangan niyang umuwi sa probinsya upang dalawin ang kaniyang namayapang ama.

Doon ay nakasama niya ang kaniyang lola na kilala bilang si Mama Susan (Angie Ferro). Sa kaniyang pagtira sa naturang lugar ay unti-unting mararanasan ni Galo ang mga hindi pangkaraniwang kababalaghang bumabalot sa kaniyang Mama Susan.

Maganda ang libro kung saan base ang pelikula dahil nabasa ko na ito pero ang nakakalungkot ay hindi nai-translate ng maayos sa big screen ang nakakakilabot nitong kuwento. Medyo boring ang kinalabasan ng palabas dahil sa hindi kongkretong kuwento nito. Masyadong nagpaka-mysterious ang palabas sa puntong hindi mo alam kung saan o ano ang pinanggagalingan ng mga karakter. Nandoon pa rin naman ang kilabot dahil magaling ang aktres na si Ferro sa naging pagganap nito bilang Mama Susan at maganda rin ang setting ng pelikula, ganoon pa man ay nakulangan ako sa kuwento dahil maraming background stories na hindi maayos na nabigyan ng closure. Katulad na lang ng sa tatay ni Galo at kung papaano ito namatay ganoon din ang nakaraan ni Galo na hindi masyadong na-emphasize sa pelikula.

Ang dahilan kung bakit medyo nakakabagot panoorin itong Ang Mga Kaibigan ni Mama Susan ay dahil paulit-ulit ang mga nangyaring eksena. Laging tulog ang bida at magigising na wala na ang ibang karakter na kasama nito. Hindi rin nila gaanong naipaliwanag kung ano ba talaga ang meron kay Mama Susan. Naging madamot ang palabas pagdating sa pagbibigay ng impormasyon kaya paraang wala nang epekto ang pagiging mysterious at weird ng mga tao sa paligid ni Galo. Umasa na lang sila sa jumpscares na hindi rin naman nakakatakot. Sayang dahil maganda naman talaga kung tutuusin ang kuwento, hindi lang maayos ang naging execution nito.


© Regal Entertainment, Black Sheep Productions, CSR Films PH

No comments:

Post a Comment