Search a Movie

Saturday, March 2, 2024

Rotting in the Sun (2023)

9 stars of 10
★★★★★★★★★ ☆

Starring: Sebastián Silva, Jordan Firstman, Catalina Saavedra
Genre: Mystery, Thriller
Runtime: 1 hour, 49 minutes

Director: Sebastián Silva
Writer: Sebastián Silva, Pedro Peirano
Production: Hidden Content, The Lift Films, Caffeine Post, Icki Eneo Arlo, Spacemaker Productions
Country: USA, Mexico


Isang depressed at drug-dependent na filmmaker si Sebastián Silva (Sebastián Silva). Dahil hirap makasabay sa mundo ng singin, ilang araw na nitong pinag-iisipan ang magpakamatay.

Sa mungkahi ng kaniyang landlord, maiisipan ni Sebastián na magbakasyon sa isang gay nude beach. Doon niya makikilala ang masiyahing social media influencer na si Jordan Firstman (Jordan Firstman). Isang collaboration ang naisipang gawin ng dalawa pero bago pa man nila magawa ang proyektong ito ay isang hindi inaasahang pangyayari ang magaganap sa parehong mundo nila.

Pinanood ko ang palabas na ito nang walang anumang background sa pelikula. Hindi ko alam kung papaano tatakbo ang kuwento nito o kung tungkol saan ang tema ng palabas. Kaya naman laking gulat ko noong bigla na lang inilabas ng pelikula ang twist na kanilang itinatago. Hindi ko ini-expect na sa ganoong paraan pala iikot ang storyline nito. Bago pa man ang nangyaring twist ay interesting na para sa akin ang itinatakbo ng istorya. Mas gumanda pa ito lalo nung bigla na lang lumiko ang takbo nito na lalong nagpa-intense sa bawat kaganapan. Naalala ko rito ang pelikulang Parasite (2019) na mula sa chill na first half ay naging thrilling ang mga pangyayari sa second half ng palabas.

Ang mas nagpaganda sa Rotting in the Sun ay ang pagiging low-budgeted nito dahil naging realistic ang labas ng pelikula. Wala na itong kung anong cinematic approach o anumang bagay na nakaka-distract. Straight to the point ang mga eksena at kahit ganoon ito ka-simple ay makapagbibigay pa rin ito ng kakaibang emosyon para sa mga manonood.

Hindi man gaanong kagaling ang mga nagsiganapang aktor dito pero madadala ka pa rin naman sa mga pangyayari sa naturang palabas dahil sa magandang kuwento nito. Wala kang kakampihan, wala kang kaiinisan, lahat ay bida at kontrabida at ang tanging gagawin mo na lang ay maupo at maghintay kung papaano mamumukadkad ang istorya nito. Hindi nga lang ito para sa lahat dahil marami itong explicit at frontal scenes na hindi puwede sa mga bata at mga konserbatibo.


© Hidden Content, The Lift Films, Caffeine Post, Icki Eneo Arlo, Spacemaker Productions

No comments:

Post a Comment