Poster courtesy of IMP Awards © Bluegrass Films |
★★★★★★ ☆☆☆☆
Starring: Matthew McConaughey, Gugu Mbatha-Raw, Mahershala Ali
Genre: Action, Biography, Drama, History
Runtime: 2 hours, 19 minutes
Director: Gary Ross
Writer: Gary Ross, Leonard Hartman (story)
Production: Bluegrass Films, Larger Than Life Productions, Route One Entertainment, Vendian Entertainment
Country: USA
Isang simpleng magsasaka si Newt Knight (Matthew McConaughey) na ngayo'y nagsisilbi bilang medic sa Confederate Army. Salungat man sa pang-aalipin ay mas gugustuhin na lang nito ang tumulong sa mga sugatan kaysa kalabanin ang Unyon. Ngunit nang mamatay ang pamangkin nito sa digmaan ay umuwi si Newt upang bantayan ang kaniyang pamilya. Ang hindi niya alam ay minarkahan na pala siya bilang isang tulisan dahilan upang siya't magtago mula sa kinauukulan.
Sa kaniyang pagtakas ay makikilala nito ang ilang mga aliping nagtatago sa kabundukan. Dito ay bumuo siya ng alyansa sa pagitan ng mga alipin at ilang magsasaka upang magsimula ng isang rebelyong babago sa kasaysayan ng Jones County.
Hindi man totoo ang kuwento ni Knight ay naging inspirasyon parin ng pelikula ang naging kasaysayan ng Jones County, Mississippi noong panahon ng Civil War. Ngunit dahil history ng ibang lugar ang nasa kuwento ay mahirap maka-relate dito lalo na kung ika'y lumaki sa ibang bansa. Dahil sa kaunti lang ang kaalaman ko sa mga pangyayari ay naguluhan ako sa mga naganap. Noong una'y nahirapan akong sundan kung ano ang ipinaglalaban ng mga bida. Gayunpaman ay maganda ang ipinarating nitong mensahe.
Magaling ang pagsasabuhay nila sa kasaysayan. Nabigyan naman ito ng hustisya ng mga artistang gumanap. Maganda rin ang cinematography, maging ang costume ate make-up na umakma sa taon at mga pangyayari.
No comments:
Post a Comment