Search a Movie

Sunday, December 3, 2017

Sassy Player (2009)

Poster courtesy of Movie Soccer Mom
© Phra Nakorn Film
5 stars of 10
★★★★★ ☆☆☆☆☆

Starring: Sudarat Butrprom, Warapat Petchsatit, Jespipat Tilapornputt
Genre: Comedy, Romance, Sports
Runtime: 1 hour, 42 minutes

Director: Poj Arnon
Writer: Poj Arnon
Production: Phra Nakorn Film
Country: Thailand


Upang makabuo ng sariling soccer team ay tumanggap sa unang pagkakataon ang isang all-girls school ng mga kalalakihan sa kanilang paaralan. Labing-anim ang nag-enroll sa kanilang eskwelahan sapat na ubang makabuo ng isang team ngunit ang hindi nila inakala, kalahati ng mga ito ay pawang mga bading. Gayunpaman ay nagpatuloy parin ang kanilang coach at nagpursiging turuang maglaro ang kaniyang mga estudyante para sa paparating na laro.

Magulo ang itinakbo ng kuwento ng palabas. Hindi mo mawari kung sino ba ang bida dito, ang mga bading ba na nasa soccer team o ang ilang kalalakihan nito na may kaniya-kaniyang love life. Sa dami ng mga karakter ay malilito ka kung sino ang sino lalo na kung hindi ka pamilyar sa mga artistang nagsiganapan dito. Dahil rin sa dami ng bida ay hindi na sila nabigayan ng pagkakataong magkaroon ng character development. May ilang subplots din na bigla-bigla na lang sumusulpot para lang mabigyang kuwento ang isang karakter na lalong mas nagpagulo sa kuwento.

Ang nagustuhan ko sa pelikula ay magaan ito sa pakiramdam. Magagaling ang supporting characters na nagbibigay komedya sa bawat eksena. Para itong isang tipikal na Pinoy comedy film na may exaggerated humor. Magagaling ding magpatawa ang mga bading na bida iyon nga lang ay medyo na-overshadow sila sa kuwento ng palabas dahil sa pagbibigay ng ibang istorya sa kalahati ng grupo kaya nagmukha tuloy supporting cast ang mga sassy players na binigyan pa naman ng title role. Maganda sana ang naging konsepto nito kung dito na lang umikot ang buong kuwento.


No comments:

Post a Comment