Search a Movie

Wednesday, December 20, 2017

Camp Rock (2008)

Poster courtesy of Disney Wikia
© Disney Channel
4 stars of 10
★★★★ ☆☆☆☆☆☆

Starring: Demi Lovato, Joe Jonas
Genre: Comedy, Family, Music, TV Movie
Runtime: 1 hour, 34 minutes

Director: Matthew Diamond
Writer: Julie Brown, Paul Brown, Karin Gist, Regina Hicks
Production: Disney Channel, Sudden Motion Productions, Alan Sacks Productions
Country: USA


Isa lang naman ang nais ni Mitchie Torres (Demi Lovato) ngayong summer, ito ay ang makapasok sa sikat na summer camp na "Camp Rock." Ngunit dahil sa kakulangan sa pera ay tila hindi niya ito makukuha. Mabuti na lang at nakagawa ng paraan ang kaniyang ina upang siya'y makapag-enroll sa naturang summer camp sa pamamagitan ng pagboboluntaryong maging cook sa kanilang kampo.

Sa summer camp na ito makikilala ni Mitchie ang sikat na lead singer ng "Connect 3" na si Shane Gray (Joe Jonas), na napilitang magturo sa Camp Rock upang pabanguhin ang pangalan na nasira dahil sa pagiging arogante at spoiled brat nito. Upang mapasama sa mga cool at sikat na kaklase ay kinailangang magsinungaling ni Mitchie tungkol sa kaniyang mga magulang. Ngunit hindi rin magtatagal ang pagpapanggap na ito lalo nang mabuking ito ng kaniyang mga kasamahan.

Mga mang-aawit na umaarte, sa pelikulang ito ay alam mo na ang iyong aasahan. Hindi kagalingan ang performances ng  mga bida sa naturang palabas dahil siguro ay hindi nila ito forte. Dahil dito ay naging exaggerated at overacting ang lahat maging sa parte kung saan dapat sila ay magaling. Mula sa bida hanggang sa mga supporting characters maliban sa ilang beterano ay mapapangiwi ka na lang sa ipinamalas nilang pag-arte.

May maayos naman itong istorya kahit papaano ngunit hindi ganoon kagaling ang naging storytelling nito. May ilang eksenang ipinakita ngunit tila wala namang naging saysay sa kuwento nito tulad ng pagkuha ng kontrabida sa notebook ng bida na tila kinalimutan na lang ng writer at hindi na ito sinundan pa. Sobrang cheesy ng naging climax nito lalo na nang binigyan nila ng flashback ang isang minor character out of the blue.

Wala kang aasahan sa mga one-dimensional na characters dito. Madali lang din makalimutan ang mga kantang ginamit maliban na lang sa main theme song na pinasikat ni Lovato. Isang pelikula para sa mga bata dahil may aral naman ito at para sa mga fans ng bawat bida.


No comments:

Post a Comment