Poster courtesy of IMP Awards © Universal Pictures |
5 stars of 10
★★★★★ ☆☆☆☆☆
Starring: Don Knotts, Joan Staley, Liam Redmond
Genre: Comedy, Mystery
Runtime: 1 hour, 30 minutes
Director: Alan Rafkin
Writer: Jim Fritzell, Everett Greenbaum
Production: Universal Pictures
Country: USA
Isang reporter si Luther Heggs (Don Knotts) sa isang lokal na diyaryo, ngunit hanggang sa ngayon ay wala parin siyang napapatunayan sa kaniyang larangan. Kaya naman nang sumapit ang ika-20th anniversary ng Simmons Mansion na kilala bilang isang abandonadong murder-suicide house ay nautusan siyang gumawa ng kuwento tungkol rito. Kapalit nito ay mamamalagi siya sa naturang mansyon upang patunayan ang pagkakaroon nito ng kababalaghan.
Tinanggap ni Heggs ang trabaho sa kabila ng pagiging matatakutin nito. Sa kaniyang pananatili sa mansyon ay sari-saring kababalaghan ang kaniyang masasaksihan ngunit bukod rito ay muling mabubuksan ang misteryo sa likod ng pagpaslang at pagkamatay ng mga dating nagmamay-ari ng naturang bahay.
Hindi ko alam kung ganito ba talaga ang uri ng komedya meron ang 60's dahil hindi ko nagustuhan ang pagiging overacting ng bida. Sa pagiging OA nito ay imbis na matuwa ka ay maiinis ka lang. Gayunpaman, magaling magbigay ng sari-saring ekspresyon si Knotts, subalit ganoon parin ang tingin ko sa kaniyang pag-arte... OA.
May disenteng istorya naman ang palabas kung hindi natin seseryosohin ang ilang plot holes nito tutal ay isang comedy movie naman ang The Ghost and Mr. Chicken. Ang musical scoring ang nagdala sa buong pelikula.
No comments:
Post a Comment