Poster courtesy of HanCinema © BA Entertainment |
★★★★★★★ ☆☆☆
Starring: Ha Ji-won, Chun Jung-myung, Chen Bolin
Genre: Comedy, Romance, Thriller
Runtime: 1 hour, 43 minutes
Director: Song Min-kyu
Writer: Kim Ba-da, Song Min-kyu
Production: BA Entertainment, Novus Mediacorp
Country: South Korea
Isang mystery writer si Han Je-in (Ha Ji-won) na halos limang taon nang walang naisusulat na libro. Desperadong makagawa ng bagong nobela ay iimbestigahan nito ang isang serial killer na umiikot sa kanilang lugar sa tulong ng kaibigan at kababata nitong pulis na si Seol Rok-hwan (Chun Jung-myung). Dito ay makikilala niya ang kaniyang dream boy na isang FBI agent, Jason Chen (Chen Bolin). Sa simula'y aakalain niyang ito ang naturang serial killer, isang magandang kuwento para sa kaniyang bagong libro. Sa pagpapatuloy ng kaniyang imbestigasyon, sari-saring katotohanan ang mabubunyag.
Hindi parin kumukupas ang galing ni Ji-won sa pag-arte mapa comedy man ito o drama. Kayang-kaya niyang dalhin ang kaniyang sarili sa kahit na anong role at nagampanan niya ang kaniyang karakter ng maayos. Maganda rin ang ipinakitang pag-arte ng dalawa niyang leading men lalo na si Bolin na siyang magpapabigat sa misteryo ng kanilang kuwento.
Pagdating naman sa storyline, maayos at maganda ang naging flow nito sa kabila ng pagkakaroon nito ng heavy comedy. Parang isang roller coaster ride ang emosyong mararamdaman mo dito. Hindi ka lang matatawa, maaantig at matatakot bagkus ay guguluhin din nito ang utak mo sa kung sino ang tunay na mamamatay tao. Mahusay ang pagkakasulat ng istorya na halos lahat ay ginawang suspect.
Ang naging problema ko lang sa palabas ay nandoon parin ang pagiging exaggerated ng mga karakter para lang sa humor nito na karaniwang ginagawa sa halos lahat ng Korean comedy films. Gayunpaman, kahit na comedy ang nangibabaw sa Life Risking Romance ay hindi parin nawala ang pagiging misteryoso ng buong pelikula partida na dito ang inihalong drama at romance na lalong magpapa-ibig sa mga nanonood.
No comments:
Post a Comment