Poster courtesy of IMP Awards © Warner Bros. |
★★★★★★★ ☆☆☆
Starring: Tom Cruise, Emily Blunt
Genre: Action, Sci-Fi
Runtime: 1 hour, 53 minutes
Director: Doug Liman
Writer: Christopher McQuarrie, Jez Butterworth, John-Henry Butterworth, Hiroshi Sakurazaka (novel)
Production: Warner Bros., Village Roadshow Pictures, RatPac-Dune Entertainment, 3 Arts Entertainment, Viz Media, Dune Entertainment
Country: USA
Sa pagdating ng mga alien sa planetang Earth ay sumiklab ang digmaan sa pagitan nila at ng mga tao. Ngunit walang kalaban-laban ang mga militar sa kakaibang lakas at liksi ng mga nilalang mula sa ibang mundo. Dito mapupunta si Major William Cage (Tom Cruise) na kailanman ay hindi pa nararanasang sumabak sa giyera. Kaya naman nang humarap ito sa mga kalaban ay agad-agad siyang namatay.
Sa hindi inaasahang pangyayari ay paulit-ulit na mararanasan ni Cage ang araw kung kailan siya mamamatay ngunit sa bawat araw ng kaniyang pagbabalik ay lalong lalawak ang kaniyang kaalaman sa mga kalaban at sa tulong ni Sergeant Rita Vrataski (Emily Blunt) ay unti-unti nilang mapupuksa ang mga dayuhang nais sumakop sa Earth.
Parang isang video game ang naging kuwento ng Edge of Tomorrow na babalik ka sa simula kapag ikaw ay namatay na kaya may pagkakataon ka pang gumawa ng diskarte para sa susunod na laban. Hindi na bago ang ganitong tipo ng konsepto sa mga pelikula ngunit nagawa nitong maging interesante gamit ang ibang genre at magkaroon ng magandang storyline. Kinakailangan lang ng matinding konsentrasyon sa panonood nito dahil mahirap masundan ang naging twist nito sa dulo.
Ang nagpa-aliw sa palabas ay ang maganda nitong special effects. Naging astig at maaksyon ang bawat ganap dahil sa intense na fight scenes. Dagdag pa rito ang astig na armor ng mga bida. Bonus na lang sa palabas ang humor nito kung saan ginawang nakakatawa ang kamatayan.
Sa mga nagnanais ng sci-fi film na may kahanga-hangang kuwento ay Edge of Tomorrow ang maire-rekomenda ko kung saan ang isang talunan na bida ay unti-unting magiging tagapagligtas ng sangkalibutan.
No comments:
Post a Comment