Search a Movie

Monday, November 27, 2017

You are the Apple of My Eye (2011)

Poster courtesy of IMP Awards
© Star Ritz Productions
8 stars of 10
★★★★★★★★ ☆☆

Starring: Kai Ko, Michelle Chen
Genre: Comedy, Drama, Romance
Runtime: 1 hour, 49 minutes

Director: Giddens Ko
Writer: Giddens Ko
Production: Star Ritz Productions Co., Sony Music Entertainment
Country: Taiwan


Si Shen Chia-yi (Michelle Chen) ang apple of the eye ng magkakaibigang sina Ko Ching-teng (Kai Ko), Tsao Kuo-sheng (Owodog), Hsieh Ming-ho (Steven Hao), Liao Ying-hung (Emerson Tsai) at Hsu Bo-chun (Yen Sheng-yu) na may kaniya-kaniyang istilo ng pagpapapansin sa top student ng kanilang klase. Ngunit sa kanilang lima, si Ching-teng ang mas napansin ng dalaga nang minsang iligtas siya nito mula sa kahihiyan.

Upang makabawi ay tinulungan ni Chia-yi si Ching-teng sa kaniyang pag-aaral sa  kabila ng pagiging tamad nito, pasaway at isip bata. Hindi nagtagal ay naging malapit ang dalawa sa isa't-isa. Sa pagtungtong nila ng kolehiyo ay nagkahiwalay sina Chia-yi at Ching-teng ng eskwelahan matapos bumagsak ang dalaga sa kaniyang entrance exam. Sa pagkakataong ito ay mas lalo pang lumalim ang pagmamahal ni Ching-teng sa dalaga ngunit sa kabila ng pagiging maangas nito ay naroon parin ang takot na baka hindi siya tanggapin ng kaniyang iniibig.

Dahil halos base sa tunay na buhay ang buong kuwento ng You are the Apple of My Eye ay mas damang-dama mo ang mga pangyayari sa pelikula. Paglalaruan nito ang puso mo dahil makakaramdam ka ng kilig, pag-asa at kirot sa simula, kalagitnaan at wakas ng palabas. Magaling ang ipinamalas na pag-arte nila Michelle Chen at Kai Ko lalo na si Kai Ko na bilang baguhan ay nabigyan niya ng hustisya ang kaniyang karakter. Kahit na childish at patapon ang buhay ng karakter nito ay makikita mo parin ang pagiging sweet, lovable at concern nito. 

Pasado na ang drama at romance ng pelikula, sa humor nga lang ito bumagsak. Masyadong OA ang ginawang pagpapatawa dito hanggang sa umabot sa puntong hindi na ito nakakatuwa. Corny ang mga boner at nude jokes nito at ang mga karakter lang talaga ang magdadala dito dahil sa pagtagal ng palabas ay matututunan mo din silang mahalin.

Ito ang pelikulang magugustuhan mo dahil sa kuwento, galing ng mga artistang nagsiganapan at higit sa lahat sa kuwento talaga. Yung tipong katatapos mo lang panoorin ay tila gusto mo ulit itong ulitin dahil hindi ka pa maka-getover sa katatapos lang na palabas. Hindi lang ito iikot sa pag-iibigan ng dalawang bida kundi maging sa pagkakaibigang nabuo sa paaralan na hindi mahirap ika-relate dahil halos lahat tayo ay naranasan na ito.


No comments:

Post a Comment