Search a Movie

Wednesday, November 22, 2017

Mga Mumunting Lihim (2012)

Poster courtesy of Pinoy Rebyu
© Cinemalaya
8 stars of 10
★★★★★★★★ ☆☆

Starring: Iza Calzado, Judy Ann Santos, Agot Isidro, Janice de Belen
Genre: Drama
Runtime: 1 hour, 40 minutes

Director: Jose Javier Reyes
Writer: Jose Javier Reyes
Production: Cinemalaya, Largarista Entertainment
Country: Philippines


Magkakaibigang tunay sina Mariel (Judy Ann Santos), Carly (Iza Calzado), Sandra (Agot Isidro) at Olive (Janice de Belen). Ngunit nang pumanaw si Mariel mula sa sakit na cancer ay nag-iwan ito ng isang regalo para kay Carly, ang kaniyang mga diary. Sa kabila ng babala nila Sandra at Olive na huwag nang basahin ang naturang diary ay pinaki-alaman parin ito ni Carly. Dito niya malalaman ang mga sikretong umiikot sa kanilang pagkakaibigan na siyang sisira sa kanilang tiwala't pagsasama.

Ang galing ng pagkakasulat ng kuwento. Makaka-relate ang sinumang may malaking bilang ng kaibigan sa palabas. Mahusay ang naging characterization nito at bawat karakter ay magugustuhan mo base sa kanilang sariling personalidad. Mahusay na nagampanan nila Calzado, Santos, Isidro at de Belen ang apat na bida. Lahat sila ay nagpamalas ng kaniya-kaniyang galing at binigyan nila ng buhay ang kanilang karakter gamit ang sarili nilang pagkakakilanlan.

Bilang pinaka-bida, nangibabaw si Calzado sa kanilang apat. Ekspresyon palang sa kaniyang mukha ay kita na ang husay nito sa pag-arte. Ganoon din naman si Santos na lumaban pagdating sa dramahan. Sina Isidro at de Belen naman ang nagbigay ng hindi sinasadyang comic relief sa istorya.

Isang pelikula na may orihinal na kuwento, sinamahan pa ng magagaling na aktres at nakaka-ayang mga karakter. Maaantig ang iyong puso at sa kasabay nito ay ang nakakatuwang istorya ng apat na magkakaibigang may mumunting lihim.


No comments:

Post a Comment