Search a Movie

Saturday, November 18, 2017

Ang Manananggal sa Unit 23B (2016)

Poster courtesy of Fandango.lat
© The IdeaFirst Company
6 stars of 10
★★★★★★ ☆☆☆☆

Starring: Ryza Cenon, Martin del Rosario
Genre: Horror, Romance
Runtime: 1 hour, 35 minutes

Director: Prime Cruz
Writer: Jen Chuaunsu
Production: The IdeaFirst Company
Country: Philippines


Isang manananggal si Jewel (Ryza Cenon) na mag-isang naninirahan sa unit 23B. Tahimik at misteryoso ang naging pamumuhay ni Jewel hanggang sa makilala nito si Nico (Martin del Rosario) ang bago nitong kapitbahay na sawi sa pag-ibig. Unti-unting mahuhulog ang loob ni Jewel kay Nico ngunit susubukang nitong pigilan ang nararamdaman dahil sa kaniyang itinatagong sikreto.

Maganda ang ginawang pagbalanse ni Prime Cruz sa genre ng pelikula. May dala itong takot at ganon din ang romansa. Hindi ito tulad ng isang tipikal na manananggal na pelikula kung saan ang manananggal ang kontrabida. Dito, iikot ang kuwento sa buhay ni Jewel bilang isang manananggal. Ipapakita dito ang kaniyang mga pinagdadaanan at kung papaano nito iwasan ang mga taong mahal niya upang huwag maging isa sa kaniyang mga biktima.

Magaling ang naging portrayal ni Cenon sa kaniyang karakter. Naisabuhay niya ng maayos ang pagiging misteryoso ng kaniyang karakter na binabalot ng kababalaghan. Sa kabilang banda, wala naman gaanong kaabang-abang sa naging pag-arte ni del Rosario dahil siguro'y hindi rin ganoong nakakapukaw ng interes ang karakter nito.

Sa simula'y mabagal ang naging takbo ng kuwento ng palabas. Darating din sa puntong mabuburyo ka na sa mga nangyayari dito. Limitado lang ang ipinakitang kababalaghan sa pelikula. Hindi mo masasaksihan ang pagpatay ng manananggal sa kaniyang mga biktima, hindi mo rin makikita ang pag-iibang anyo nito kung hindi mo paaabutin hanggang sa huli.

Ngunit worth it din naman ang pagtapos sa pelikula dahil maganda at ginastusan ang effects na ginamit sa pagpapalit ng anyo ng bida. At kahit wala gaanong nangyari sa palabas ay nagkaroon parin naman ito ng satisfying na katapusan.


No comments:

Post a Comment