Poster courtesy of IMP Awards © Bold Films |
8 stars of 10
★★★★★★★★ ☆☆
Starring: Owen Wilson, Lake Bell, Pierce Brosnan
Genre: Action, Thriller
Runtime: 1 hour, 43 minutes
Director: John Erick Dowdle
Writer: John Erick Dowdle, Drew Dowdle
Production: Bold Films, Brothers Dowdle Productions, Living Films
Country: USA
Kasama ang buong pamilya, sa Asya nakatakdang lumipat si Jack Dwyer (Owen Wilson) sa pag-asang ito ang magbibigay sa kanila ng panibagong sumila. Ngunit hindi pa man sila nakatatagal sa naturang bansa ay naharap na sila sa isang mabigat na problema nang maipit sila sa gitna ng isang coup d'état. Nagsimulang pumatay ang mga rebelde ng mga inosenteng sibilyan at mga dayuhan.
Upang mailigtas ang asawa at dalawang anak ay gagawin ang lahat ni Jack maging ang kumitil ng buhay mailayo lang ang kaniyang pamilya sa kapahamakan. Ang hindi nito alam ay isa siya sa dahilan kung bakit nagkaroon ng kudeta sa lugar.
Isa na siguro ang pelikulang ito sa pinaka-tensiyonadong palabas. Mula sa simula hanggang sa katapusan ay bibigyan ka nito ng pagkabahala at pananabik para sa mga karakter at pangyayari. Ito yung tipo ng palabas na hindi mo maiwan-iwan dahil bawat kaganapan ay kapana-panabik. Magaling ang mga artistang bumida sa pelikula lalung-lalo na si Wilson na hindi mo aakalaing kaya pala nitong magkaroon ng seryosong role taliwas sa mga nakaugalian natin sa kaniyang mga comedy films.
Purong aksyon at thrill ang maibibigay ng No Escape. Hindi ka madidismaya sa panonood dito dahil bawat parte nito ay walang patapon. Magugustuhan mo ang mga karakter at magagalit ka sa gulong kanilang kinasadlakan. Higit sa lahat ay bibigyan ka nito ng aral ukol sa pagmamahal sa iyong pamilya.
No comments:
Post a Comment