Poster courtesy of IMP Awards © Marvel Studios |
★★★★★★★ ☆☆☆
Starring: Tom Holland, Michael Keaton
Genre: Action, Adventure, Sci-Fi
Runtime: 2 hours, 13 minutes
Director: Jon Watts
Writer: Jonathan Goldstein, John Francis Daley, Jon Watts, Christopher Ford, Chris McKenna, Erik Sommers, Stan Lee (comics), Steve Ditko (comics)
Production: Columbia Pictures, Marvel Studios, Pascal Pictures
Country: USA
Susundan ng Spider-Man: Homecoming ang mga pangyayari pagkatapos ng naganap na labanan sa Captain America: Civil War (2016). Mabuti na lang at hindi ito ulit nagsimula sa origin story nito na ilang beses nang ginawa gamit ang ibang aktor, kung hindi ay mauumay ka talaga.
Ilang buwan matapos ng matinding labanan sa pagitan nila Captain America at Iron Man ay nahaharap ngayon sa pagkaburyo si Peter Parker (Tom Holland) matapos lumabo ang kaniyang komunikasyon sa pagitan niya at ni Tony Stark (Robert Downey Jr.). Dahil nasa kaniya parin ang suit na bigay ni Stark ay ginamit niya ang kapangyarihan nito upang maging tagapagligtas sa maliliit na krimen sa lansangan. Hanggang sa dumating ang araw na makasagupaan niya ang isang malakas na kalaban na siyang magpapatunay sa karapatan niya bilang maging isang Avengers.
Bumagay kay Holland ang kaniyang role bilang Parker. Napangatawanan niya ang pagiging makulit na teenage superhero nang hindi nagmumukhang arogante at nakakainis. Dito ay mararamdaman mo talaga ang kaniyang pagiging teenager. Maganda rin ang naging approach nila sa suit ni Spider-Man na high-tech at tila naging inspirasyon si Iron Man na hindi na nakapagtataka dahil si Stark ang may gawa nito. Ibinagay ang ilang aspeto nito sa magiging kuwento ng Marvel Cinematic Universe na isang magandang desisyon dahil dito ay nakapagbigay sila ng bagong istorya at bagong aabangan.
As usual ay maganda ang special effects ng palabas. Mai-enjoy mo ang maaksyong labanan dito at magugustuhan mo ang humor nito. Mas mai-engganyo ka ring manood dahil sa special appearance ng ilang Marvel characters tulad ni Captain America at Pepper Potts na kasama rin sa MCU.
As usual ay maganda ang special effects ng palabas. Mai-enjoy mo ang maaksyong labanan dito at magugustuhan mo ang humor nito. Mas mai-engganyo ka ring manood dahil sa special appearance ng ilang Marvel characters tulad ni Captain America at Pepper Potts na kasama rin sa MCU.
No comments:
Post a Comment