Poster courtesy of IMP Awards © Paramount Pictures |
★★★★★★ ☆☆☆☆
Starring: Shia LaBeouf, Josh Duhamel, Megan Fox
Genre: Action, Sci-Fi
Runtime: 2 hours, 24 minutes
Director: Michael Bay
Writer: Roberto Orci, Alex Kurtzman, John Rogers (story)
Production: DreamWorks, Paramount Pictures, Hasbro
Country: USA
Isang mumurahing sasakyan ang natanggap ni Sam Witwicky (Shia LaBeouf) mula sa kaniyang ama. Ang hindi nito alam, ang sasakyan na ito ay isang Autobot na dumating sa kaniyang buhay upang siya'y bantayan mula sa mga Decepticons na ninanais ang isang bagay na si Sam lamang ang makapagbibigay.
Wala nang mas-aastig pa sa pelikulang tungkol sa sasakyan at mga robot. Lalo na kung ang mga sasakyan na ito ay nagbabagong-anyo bilang mga robot. Konsepto pa lamang ay nagsusumigaw na ng isang maaksyong kuwento. Hindi ka naman madidismaya dahil punong-puno ng aksyon ang pelikula, mga nagbabagsakang building, kabilaang barilan, mga sumasabog na sasakyan at higit sa lahat mga naglalakihang robot na nagpapatayan.

Uunahin ko na ang mga nagustuhan ko sa pelikula at ito ang visuals. Napakaganda ng visual effects ng Transformers lalo na sa mga autobots mismo. Napaka-satisfying panoorin kung paano sila mag-transform. Pati na rin ang pagiging diverse ng kanilang hitsura mula sa helicopter, trailer truck, Porsche at maging vending machine. Mapapahanga ka sa imagination ng mga writers nito.
Maganda rin ang ipinamalas na pag-arte dito ni LaBeouf. Wala kang masyadong mahihita sa kaniyang karakter dahil hindi naman ganoong kaganda ang pagkakasulat dito gayunpaman ay nakapagpakita parin si LaBeouf ng sinsiredad sa karakter na kaniyang binibigyang buhay. Taliwas naman dito ang kapareha niyang si Fox na kahit anong pilit magbigay ng emosyon ay tila mas malala pa sa pagiging poker face ang mukha nito. Hindi siya marunong sa kaniyang propesyon at ang tanging emosyon na kaya niyang ipakita ay ang tila natataeng ekspresyon.
Mayroon itong maayos na storyline gayunpaman ay hindi ito gaanong ka-impressive dahil isa lang itong tipikal na action/superhero na istorya kung saan isang makapangyarihang bagay na pinag-aagawan. Ang naging problema ko rito ay ang naging storytelling nito. Maayos ang naging first half ng pelikula upang maipakilala ang bida, subalit pagdating na sa huling bahagi nito ay naging makalat na ang palabas. Tila ba nagmamadali ang bawat tagpo. May eksenang nahuli ang bida at sa sumunod na eksena ay magkakampi na ang bida at ang mga humuli sa kanila. At ilang beses itong naulit na para bang may mga bahaging hindi na ipinakita pa at ang manonood na ang bahalang maghabol sa kuwento.
Hindi ko rin gaanong na-enjoy ang climax nito kung saan nagsagupaan ang mga Autobots at Decepticons. Sino ba namang matinong tao ang nakaisip na dalhin ang labanan sa mataong lugar kung saan maraming sibilyan ang maaaring madamay? Nakuha ko na kinakailangan ito upang mas magkaroon ng apocalyptic visuals ang pelikula pero kung gagamitin ang common sense ay nakakabobo ang parteng ito. Mas lalo lang akong nainis nang kabilaan ang mga nakikita kong mga nagtatakbuhang extras na parang mga tanga. Hindi ko tuloy na-enjoy ng masyado ang bakbakan ng mga robot sa pelikula.

Hindi rin ako fan sa naging humor nito na over the top at may mga pagkakataong sobrang corny at cheesy. Mabuti na lang talaga at astig parin ang dating ng pelikula, may dahilan parin upang subaybayan ang mga susunod nitong installments.
No comments:
Post a Comment