Search a Movie

Friday, January 18, 2019

Can't Help Falling in Love (2017)

Poster courtesy of My Movie World
© Star Cinema
7 stars of 10
★★★★★★★ ☆☆☆

Starring: Kathryn Bernardo, Daniel Padilla
Genre: Romance
Runtime: 1 hour, 59 minutes

Director: Mae Cruz-Alviar
Writer: Carmi Raymundo, Kristine Gabriel
Production: ABS-CBN Film Productions, Star Cinema
Country: Philippines


Isa na siguro sa pinakamasuwerteng dalaga si Gab dela Cuesta (Kathryn Bernardo) dahil sa pagkakaroon nito ng masayang pamilya, magandang trabaho at matibay na love life. Lalo na nang sa wakas ay mag-propose sa kaniya ang kaniyang long-time boyfriend na si Jason Aguinaldo (Matteo Guidicelli). 

Ngunit sa kalagitnaan ng kaniyang preparasyon para sa kaniyang paparating na kasal ay mapag-aalaman ni Gab na siya ay kasal na pala sa isang estranghero - kay Dos González Jr. (Daniel Padilla) na isang happy-go-lucky at playboy na vlogger at tour guide. Hihimukin ni Gab ang tulong ni Dos upang mapawalang-bisa ang kanilang pagkakamali na nauwi sa isang kasalanan. Ngunit sa pagsasama nila Gab at Dos ay unti-unting magkakagaanan ng loob ang dalawa na mauuwi sa hindi inaasahang damdamin.

Out of the ordinary man ang kuwento ng Can't Help Falling in Love subalit nakapagbigay naman ito ng kakaibang kuwento ng pag-ibig na magpapakilig sa bawat manonood. Exciting kung tutuusin ang istorya ng pelikula lalo na't nabigyan ng magandang karakter sina Bernardo at Padilla na madaling kunin ang kiliti ng sumusubaybay sa kanila. Maganda ang naging karakter development nila Gab at Dos at makikita sa kanilang dalawa na sa kabila ng pagkakaiba ng kanilang personalidad ay nagkaroon parin sila ng magandang chemistry.

Pagdating sa cast, perfect sina Bernardo at Padilla sa mga ginampanan nilang karakter. Bumagay kay Padilla ang outgoing at makulit na si Dos na sinamahan ng perfect-girl-perfect-life na si Gab na naibigay din namang maayos ni Bernardo. May mga mangilan-ngilang jokes lang na hindi pumapasok sa banga at minsan ay nagiging OA pero bumawi naman sila sa pakilig dahil punong-puno ng chemistry ang dalawang bida.

Ang off lang siguro sa palabas na hindi ko gaanong nagustuhan ay ang theme song nito na bagay sana kaso ay hindi nabigyan ng magandang areglo at hustisya. Gayundin ang mediocre na akting ni Guidicelli na hindi natural ang pagka-deliver sa strict at manhid nitong karakter. 

Overall ay bibigyan ka ng isang magandang love story ng Can't Help Falling in Love. Kikiligin ka hindi lang dahil sa kuwento nito kundi maging sa mga karakter nito. Medyo predictable na ang twist dahil sa obvious foreshadowing nito at cheesy din ang ending ngunit ang mahalaga ay ang naging development ng kuwento na siyang nagdala sa pelikula.


No comments:

Post a Comment