Poster courtesy of IMP Awards © Paramount Pictures |
★★★★★★★ ☆☆☆
Starring: Tom Cruise, Henry Cavill, Rebecca Ferguson
Genre: Action, Adventure, Thriller
Runtime: 2 hours, 27 minutes
Director: Christopher McQuarrie
Writer: Christopher McQuarrie, Bruce Geller (series)
Production: Paramount Pictures,Skydance Media,TC Productions
Country: USA
Muling nagbabalik si Ethan Hunt (Tom Cruise) sa ika-anim na pagkakataon para sa isa na namang maaksyon na pakikipagsapalaran sa mundong kaniyang ginagalawan. Sa pagkakataong ito ay kinakailangan niyang tapusin ang isang nabigong misyon matapos mapasakamay ng grupong Apostles ang plutonium, isang nuclear weapon, na pakay niyang kunin kasama ang kaniyang grupo.
Sasamahan si Hunt ng isang CIA Assassin na si August Walker (Henry Cavill) upang masigurong mabawi ang naturang plutonium. Kasama ang mga dating nakatrabaho at ang bagong kakampi ay susubukang bawiin ng grupo ni Hunt ang tatlong plutonium bago pa man ito magamit sa isang terrorist attack.
Kumpara sa pelikulang sinundan nito ay mas kapani-paniwala ang naging kuwento ng Mission: Impossible – Fallout, pero overall ay exaggerated parin ito. Mas toned down nga lang ng kaunti, pero mayroon parin itong mga eksenang mapapa-WTF ka sa mga OA nilang stunts. Maganda ang naging adisyon ni Cavill sa cast bilang pandagdag sa timpla ng pelikula kahit na nakakabanas ang kaniyang karakter. Nakakatuwa ding makitang muli ang ilang kakampi na nauna na nating nakilala sa mga naunang installments.
Pagdating sa kuwento, simple at madali lang itong sundan sa pagkakataong ito dahil ang misyon lang ng mga bida ay ang bawiin ang isang bagay. Wala gaanong pasikut-sikot at diretso agad sa maaksyong pakay. Gayunpaman ay dala parin ng palabas ang thrill at mistery na itinatago ng bawat karakter para sa mga twist na nakatago sa bawat sulok ng storyline nito.
Action-packed parin ang pelikula. Punong-puno parin ito ng habulan, banggaan, barilan, pasabog at kung ano pang tipikal na nakikita sa isang action film. Bagamat hindi ako ganoong ka-interesado sa mga face swap na masyado nang gamit sa palabas na ito ay nagawa parin ako nitong gulatin sa mga pasabog nilang dala. Gayunpaman ay hindi parin nagbabago ang pananaw ko dito na bawat installments ng Mission: Impossible ay madali lang makalimutan. Wala itong factor na naipakita na maaaring tumatak sa bawat manonood maliban sa mga nakakawindang na stunts.

No comments:
Post a Comment