Poster courtesy of IMP Awards © Bob Yari Productions |
★★★★★★★ ☆☆☆
Starring: Don Cheadle, Ludacris, Larenz Tate, Michael Peña, Matt Dillon, Ryan Phillippe, Sandra Bullock, Terrence Howard
Genre: Drama
Runtime: 1 hour, 52 minutes
Director: Paul Haggis
Writer: Paul Haggis, Bobby Moresco
Production: Bob Yari Productions, DEJ Productions, Blackfriars Bridge Films
Country: USA
Magkakaibang lahi, magkakaibang estado sa buhay, magkakaibang kuwento. Ito ang bubuo sa Crash. Mga magkaka-konektang istorya ng mga tao mula sa Los Angeles na iikot racism, discrimination, at iba't-ibang suliranin sa lipunan.
Isang African-American detective si Graham Waters (Don Cheadle) na may problema sa kaniyang ina dahil sa pagkawala ng nakababatang kapatid nito. Sa kabilang banda naman ay problemado ang White American District Attorney na si Rick Abot (Brendan Fraser) at ang kaniyang asawa matapos ma-karnap ang kanilang sasakyan ng mga Black American na gang. Samantala, ang mag-asawang African-American na sina Cameron (Terrence Howard) at Christine Thayer (Thandie Newton) ay kinakailangang humarap sa isang racist na pulis.
Ang isyu sa racism ang naging pokus ng pelikula. Racism na nauuwi sa diskriminasyon, police brutality at prejudice. Medyo stereotyped ang pagkakasulat sa mga karakter subalit para sa akin ay ayos lang ito dahil ito naman dati ang naging katotohanan. Ipinakita ng pelikula ang nagagawa ng racism sa mga tao, mula sa mga automatikong panghuhusga dahil sa kulay at dahilan kung bakit nabuo ang naturang panghuhusgang ito.
Hindi ko nga lang nagustuhan ang ginawa nila sa mga karakter dito na kung sino ang masama ay siya pang nabigyan ng ikalawang pagkakataon samantalang ang mga mababait ay nagkaroon ng hindi kaaya-ayang ending. Maganda sana ito upang maipakita na tila ba dahil sa racism, mabait ka man o hindi ay mayroon nang nakatatak sa ating isipan na ang mga Black American ay gangster, ang mga Middle Easterner ay terorista, ang mga White American ay racist gayundin ang mga pulis, subalit sa dami ng mga karakter sa palabas na nais nilang i-portray ay hindi nabigyan ng pagkakataon ang ilang na magkaroon ng maayos na character development.
Sa buong cast, si Matt Dillon at Newton ang nakapagbigay ng magandang performance. Ang naging istorya din nila ang mas nakapagbigay ng emosyon tungkol sa racism. Bagamat hindi gaanong marami ang screen time ni Sandra Bullock ay maganda rin ang ipinamalas niyang pag-arte kahit weak ang naging karakter nito.
Bilang pangkalahatan ay isang napakagandang drama ang Crash na babatikos sa isa sa pinakamatagal nang isyu sa ating lipunan, ang racism. Ipapakita nito na bawat tao ay may sariling personalidad at ugali, masama at mabuti at walang kinalaman dito ang kulay ng balat ng tao.

No comments:
Post a Comment