Poster courtesy of IMDb © One Big Fish Productions |
★★★★★★★★ ☆☆
Starring: Kristoffer King, Jess Mendoza
Genre: Crime, Drama
Runtime: 1 hour, 25 minutes
Director: Roderick Cabrido
Writer: Joseph Israel Laban, Denise O'Hara
Production: One Big Fight Productions, Purple Pig, Waning Crescent Arts
Country: Philippines
Kamatayan ang isa sa pinakatatakutan ng bawat isa sa atin at ito ang pangunahing paksa ng Purgatoryo. Tungkol ito sa naging buhay ng dalawang embalsamador na sina On-On (Kristoffer King) at Dyograd (Jess Mendoza) na may marangal sanang trabaho kung hindi lang ginagamit sa ilegal na gawain ang mga katawang kanilang ini-embalsama.
Sa isang punerarya nagta-trabaho ang dalawa na pagmamay-ari ni Violet (Bernardo Bernardo) kung saan niya pinapaupahan ang mga bangkay sa mga tao upang makapagpatayo ng pasugalan. Ang pulis namang si Jojo (Arnold Reyes) ang siyang nagsu-suplay kay Violet ng mga bangkay mula sa katawan ng mga kriminal na kaniyang nakaka-engkuwentro. Ngunit biglang magbabago ang buhay nila On-On, Dyograd, Violet at Jojo sa pagdating ni Ilyong (Chrome Prince Cosio) ang bagong bangkay na dapat ay kanilang pagkakakitaan.
Nakakabagabag ang naging tema ng Purgatoryo dahil sa mga imoral na nangyari sa palabas at sa isiping maaaring nangyayari ito sa tunay na buhay na kailanman ay hindi natin masasagot maliban na lang kung makita ito mismo ng ating mga mata. Ipapakita ng pelikula kung hanggang saan aabot ang kayang gawin ng mga tao sa ngalan ng pera mula sa pagbaboy ng mga katawang wala nang buhay hanggang sa panloloko ng mga inosenteng tao.
Ang nagustuhan ko sa pelikula ay ang pagiging matapang nitong gumawa ng palabas na sumasalamin sa parte ng lipunang hindi kayang ipakita ng mainstream movies. Walang halong ka-echosan, walang cringey na mga linya at hindi filtered ang script. Hindi rin kinailangan ng censorship, may mga frontal nudities at ang mga nakakadiring tahi sa mukha o hiwa sa katawan na buong-buong ipapakita ng pelikula upang mas madama ang pagiging makatotohanan nito.
Kahit hindi rin gaanong kilala ang mga bumida sa Purgatoryo ay nagampanan nila ng maayos ang bawat emosyon ng tunay na tao na para bang sila mismo ang karakter na kanilang binibigyang buhay. Gusto ko lang bigyan ng palakpak ang mga bida rito lalo na sina King, Mendoza at Bernardo na kahit hindi mo na kaya ang mga pinaggagawa nila sa pelikula ay tututok ka parin dahil sa maayos nilang pag-arte.
Indie film man ay hindi parin pinabayaan ni Roderick Cabrido ang artistic side ng pelikula. Magaganda ang bawat shots ng eksena. Naipadama nito ang pagiging dark at gloomy ng istorya lalo na sa mga eksenang kinuha sa loob ng morgue.
Katulad ng mga linyahan ng mga totoong kritiko, compelling ang naging kuwento ng Purgatoryo. Masyado man itong mabigat sa dibdib at nakapagpapabagabag sa damdamin ay nanaisin mo itong tapusin upang matutukan ang kahihinatnan ng bawat karakter. Aabangan mo ito dahil sa hindi pangkaraniwang kuwento, magagaling na artista at magandang cinematography.

No comments:
Post a Comment