Poster courtesy of IMP Awards © Warner Bros. |
7 stars of 10
★★★★★★★ ☆☆☆
Starring: Constance Wu, Henry Golding
Genre: Romance
Runtime: 2 hours
Director: Jon M. Chu
Writer: Peter Chiarelli, Adele Lim, Kevin Kwan(novel)
Production: Color Force, SK Global, Warner Bros.
Country: USA
Planong daluhan ni Nick Young (Henry Golding) ang kasal ng kaniyang kababata at kaibigan sa Singapore, sa bansa kung saan siya ipinanganak. Kasabay nito ay inanyayahan niya ang kaniyang kasintahang si Rachel Chu (Constance Wu) upang samahan siya sa naturang bansa nang sa gayon ay maipakilala na din siya nito sa kaniyang pamilya.
Pumayag si Rachel sa alok ng nobyo at agad niya itong pinaghandaan. Ang hindi nga lang napaghandaan ng dalaga ay ang katotohanan na ang pamilya ng kaniyang nobyo ay isa pala sa pinakamayang angkan sa buong Singapore.
Mapaglaro at chick flick na chick flick ang approach ng Crazy Rich Asians, bagay na bagay sa demographic na pakay ng palabas na usually ay mga kababaihang teenagers at adults. Dumagdag pa dito ang mala-Prince Charming na male lead character nito. Bumagay kay Golding ang kaniyang karakter na mayaman ngunit simple at low profile lang ang dating. Sa kabilang banda, ay napaka-simple at wala namang dating si Wu na hindi naman masama dahil iyon talaga ang kaniyang karakter. Sa kabila ng plain at kinulang na karisma na si Rachel ay ito ang bumuo sa kaniyang karakter, dahil dito ay mas naging lovable at relatable siya para sa mga manonood.
Maayos naman ang naging pagganap ng dalawang bida gayunpaman ay nakulangan ako sa mga karakter nilang dalawa. Wala ka gaanong masisisid sa kanilang personal na buhay at mas nagustuhan ko pa ang pagkakasulat sa mga supporting characters ng palabas lalo na kay Astrid Young-Teo (Gemma Chan) dahil mayroon silang ipinagbago mula sa simula ng palabas kumpara nang matapos ito.
Pagdating naman sa istorya ng pelikula, nauwi ito sa pagiging tipikal na Asian love story kung saan ang pamilya ng lalaki ay matapobre at hindi tanggap ang isang dalagang hindi nila kasing yaman. At dahil doon ay predictable na ang katapusan ng istoryang ito dahil kung tutuusin ay overused na ang konseptong ganito.
Isa pang napansin ko dito, kung "crazy" nga ang pagiging mayaman ng mga bida ay hindi ko ito nadama sa palabas. Marami na akong nakitang ibang palabas na mas mayaman at mas sosyal ang pamumuhay kumpara sa mga nasa pelikula. Limited lang kasi ang mga yamang ipinakita dito maliban sa ilang shopping spree, at dalawang mansyon ay hindi na masyadong na-highlight ang pagiging "crazy rich" ng mga bida.
Overall ay nakapagbigay kilig naman ang pelikula dahil maganda ang chemistry nila Golding at Wu. Maganda rin ang naging storytelling ng palabas at tawang-tawa ako sa mga patawa nila na hindi corny at OA at karamihan ay ang karakter ni Awkwafina ang nagdala.
No comments:
Post a Comment